Anak, pinagtataga ang sariling ina matapos mag-away dahil sa SAP

Anak, pinagtataga ang sariling ina matapos mag-away dahil sa SAP

- Isang 59-anyos na ina ang pinaslang ng kanyang sariling anak sa Rosario, La Union

- Pinagtataga ng 34 anyos na anak ang ina matapos nilang magtalo tungkol sa perang natanggap mula sa Social Amelioration Program (SAP)

- Iginigiit ng suspek na P5,500 ang natanggap ng biktima ngunit P4,500 lamang ang natanggap ng kanyang ina

- Kasalukuyang nakakulong na ang suspek habang disedido naman ang kapatid ng suspek na sampahan ito ng kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalaboso ang 34 anyos na lalaking nagngangalang Omar Casilla matapos nitong paslangin ang sariling ina sa Barangay Amlang sa bayan ng Rosario, La Union..

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo Philippines, Social Amelioration Program (SAP) ang naging dahilan ng pagtatalo ng mag-ina.

Ikinasawi ng 59 anyos na vegetable vendor ang tinamong pinsala mula sa pananaga ng anak na gumiit na P5,500 ang natanggap ng biktima ngunit P4,500 lamang ang natanggap ng huli sa SAP.

Ayon kay P/Capt Joel Cabaddo, deputy chief ng Rosario Police, humihingi umano ng pera ang suspek sa kanyang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagkasagutan silang mag-ina at kinalauna'y nauwi sa pagtaga ng suspek sa sarili nitong ina na nagtamo ng sugat sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kasalukuyang nakakulong na si Casilla habang disedido naman ang kapatid ng suspek na sampahan ito ng kaso.

Ang Social Amelioration Program (SAP) ay ang programa ng pamahalaan upang matulungan ang mga mamayang walang kakayahang tustusan ang pangangailangan sa gitna ng pinapairal ng enhanced community quarantine.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilalanin natin si Jhon Rellores, sa murang edad ay mapagbigay na siya sa kanyang kapwa. Panoorin ang video na ito at sana'y lahat tayo ay gumaya sa kanyang magandang gawain. Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel