BB Gandanghari, emosyonal na nag-labas ng sama ng loob sa kanyang pamilya

BB Gandanghari, emosyonal na nag-labas ng sama ng loob sa kanyang pamilya

- Nag-labas si BB Gandanghari ng sama ng loob sa social media ukol sa kanyang pamilya

- Umamin siyang nasasaktan siya sapagkat tila wala raw pakialam sa kanya ang kanyang pamilya sa gitna ng COVID-19 pandemic

- Inilahad ni BB na mas may pakialam pa raw sa kanyang kalagayan ang kanyang fans at followers sa social media

- Ayon sa kanyang pahayag, hindi raw siya gustong tulungan at tawagan man lamang sa telepono ng kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si BB Gandanghari ay nag-labas ng sama ng loob sa social media ukol sa kanyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na umamin siyang nasasaktan siya sapagkat tila wala raw pakialam sa kanya ang kanyang pamilya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay BB, mas may pakialam pa raw sa kanyang kalagayan ang kanyang fans at followers sa social media.

Sinabi ni BB na hindi raw siya gustong tulungan at tawagan man lamang sa telepono ng kanyang pamilya.

“Magpapakahonest ako. I worked hard for my existence and I do what I do because I think it can provide… I can make a living out of it. So I really appreciate it.

“Kung may nakapanood sa inyo doon sa Instagram, ito 'yung pinanggagalingan bakit sumama yung loob ko before. Kasi imbis na suportahan ka as in di ka susuportahan at all. Gagamitin ka lang. Pero hindi… you know what i mean.

“Samantalang kayo na 'di ko naman kilala, how come you feel me?

“How come hindi rin ito maisip ng kapatid ko? 'Yung...ano bang tawag dun? Bilas? 'Yun ba 'yung tawag dun? Or sister-in-law na walking doll.

“I'll be very honest. If you feel what she [netizens] feels, you would call me and tell me, 'Bb, dalaw ako dyan sa bahay mo. Baka matulungan ka ng followers ko.' Pero hindi. Parang napaka bigat na gawin nila 'yun.

“But anyways okay lang kasi alam ko, we can do this. I can do this without them… alam mo yun?

“Sa awa ng Diyos, I'll take it. But maraming salamat sa inyo. Because of you alam kong kaya ko at magsa-succeed tayo.

“Honestly, alam mo 'yung maganda dito… Isa 'yun sa pinaparamdam ng pamilya mo na parang wala kang kwentang tao. Na you don't deserve a call…

“At least nararamdaman ko ngayon na hindi ako abnormal. Baka sila. Hindi pala abnormal 'yung feeling ko na masaktan.

“Hindi pala ako dramatic, manhid lang sila. Kaya thank you. And thank you sa inyong lahat,” BB said in his vlog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang report ng KAMI, nagsalita si BB ukol sa dati niyang identity bilang Rustom Padilla.

Si BB Gandanghari, isang transwoman, ay kilala noon bilang Rustom Padilla noong artista pa siya sa Pilipinas. Kapatid niya ang mga aktor na sina Robin at Rommel Padilla. Sister-in-law din niya si Mariel Padilla.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In our new episode, we show you all of the essential rules to follow amid the COVID-19 crisis in our country! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel