Viral na bulag na tinangkang maglakad mula Quiapo hanggang Pampanga, maayos na nakauwi

Viral na bulag na tinangkang maglakad mula Quiapo hanggang Pampanga, maayos na nakauwi

- Maayos na nakarating sa Pampanga ang isang bulag na tinangkang lakarin ito mula Quiapo

- Laking pasalamat niya sa isang nagmalasakit na kung ang kanyang detalye at nai-post ang kanyang kalagayan sa Facebook

- Dahil sa nag-viral ang post, nagawan ng paraan na mapasakay ang PWD upang mas mapabilis ang kanyang pag-uwi

- Nagpasalamat naman siya sa lahat ng mga tumulong sa kanyang paglalakbay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasama na ni David Coper ang kanyang mga anak at 83-anyos na ina sa Pampanga na dahilan kung bakit niya tinangkang maglakad mula Quiapo hanggang Pampanga.

Laking pasalamat nito sa netizen na si Ron Escaño na nakakita sa kanya habang siya ang naglalakad bandang Araneta Avenue, Quezon City.

Inalam ni Ron ang detalye ni David at doon niya nalamang patungo ito sa Pampanga.

Dahil hindi raw alam ni Ron kung saan dadalhin ang PWD, minabuti niyang i-post sa social media ang kalagayan nito.

Sa pangambang maaring mapahamak si David sa kanyang paglalakbay, kinuha na rin ni Ron ang cellphone number nito at tinatawagan naman niya ito kada isang oras.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento pa ni David, isa siyang masahista ngunit dahil kasalukuyan pa ring nasa enhanced community quarantine ang Luzon, wala siyang hanapbuhay.

Wala rin daw umano siyang natanggap na ayuda mula sa lokal na pamahalaan kaya naman aminadong hirap ang kalagayan niya.

Kaya naisipan an rin niyang umuwi na lamang sa Pampanga dahil labis na siyang nag-aalala para sa kanyang 83-anyos na ina na kasama ng kanyang mga anak.

Dahil sa nag-viral ang post, natulungang maisakay si David patungong San Fernando Pampanga at mula naman doon at may sumundo na sa kanya mula sa kanilang barangay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow |

Source: Kami.com.ph

Online view pixel