Doktor na tinamaan ng COVID-19, inanunsyo ang paggaling sa kanya mismong kaarawan

Doktor na tinamaan ng COVID-19, inanunsyo ang paggaling sa kanya mismong kaarawan

- Masayang inanunsyo ni Dr. Carmina Fuentebella ang unti-unti niyang pagbangon mula sa COVID-19 sa kanya mismong kaarawan

- Matatandaang halos dalawang linggo na ang nakararaan nang humingi ng dasal ang kapwa doktor ni Fuentebella dahil sa nagpositibo umano ang batang doktor sa COVID-19

- Nagpasalamat din ang doktor sa lahat ng nagmalasakit sa kanya sa habang siya ay nakikipaglaban naturang virus

- Kasalukuyan pa rin siyang nagpapagaling ngunit mababakas na ang ngiti at sigla sa kanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang napakagandang balita ang bumungad sa mismong kaarawan ni Dr. Carmina Fuentebella na nagpositibo sa COVID-19, may dalawang linggo na ang nakararaan.

Sa kanyang Facebook post ngayong Abril 24, ang araw ng kanyang kapanganakan, masaya niyang inanunsyo ang kanyang pagbangon mula sa COVID-19.

Maaalalang sa unang ulat ng KAMI, ilang mga kapwa niya doktor at maging ilang artista ay humiling ng dasal para kay Dr. Fuentebella na nahawa sa virus habang siya ay nasa serbisyo.

Umabot pa sa puntong nalagyan na siya ng tube support ngunit malayong-malayo na ito na itsura niya ngayon na may ngiti na muli ang kanyang labi at nanumbalik na rin ang sigla sa kanyang katawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinasalamatan din niya ang mga taong nagmalasakit sa kanya at nagpalakas ng kanyang loob habang siya ay nakikipaglaban sa COVID-19.

Napakalaking bagay daw umano ng mga ito lalo na at dumating sa puntong inakala niyang hindi niya malalampasan ang bagsik ng virus.

Binigyang pugay din niya ang mga kapwa niya frontliners at sinabing patuloy din niyang pinagdarasal ang mga ito at nagbigay ng mensahe ng pag-asa.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel