Senator Pacquiao, nagpaabot ng tulong sa mag-asawang PWD na di nakatanggap ng ayuda

Senator Pacquiao, nagpaabot ng tulong sa mag-asawang PWD na di nakatanggap ng ayuda

- Na-surpresa ang mag-asawang PWD nang dumagsa ang tulong sa kanilang pamilya matapos na hindi makatanggap ng anumang ayuda sa kanilang barangay

- Nawalan umano ng trabaho ang mag-asawa dahil sa enhanced community quarantine at sa kasamaang palad ay hindi rin sila nakatanggap ng anumang tulong

- Nang maipalabas ng ABS-CBN ng kanilang kalagayan, kabilang si Senator Manny Pacquiao sa mga nagpaabot ng tulong sa pamilya ng mag-asawa

- Dinagsa rin sila ng tulong mula sa iba pa nating mga kababayan na labis na ikinatuwa ng mag-asawa

- Sa dami naman ng kanilang natanggap, plano nilang mamahagi rin sa ilan nilang kapitbahay na wala pa ring natatanggap umano na ayuda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napalitan ng mga matatamis na ngiti ang dating maluha-luhang mukha ng mag-asawang sina Ronnie at Margie Gahit.

Sila ang mag-asawang walang paningin at nawalan ng trabaho bilang masahista ngayong aabot na sa dalawang buwang ang enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Nakikitira na lamang ang pamilya ng mag-asawa at dahil wala pa ring trabaho, umaasa na lamang muna sana sina sa ayuda ng kanilang lokal na pamahalaan.

Sa kasamaang palad, wala raw umano silang natanggap na tulong mula sa kanilang barangay.

Sinubukan pa umano ni Ronnie na manghingi maski na bigas ngunit hindi sila napagbigyan.

Nang maibahagi ng ABS-CBN ang pinagdaraanan na ito ng pamilya ng mag-asawa, bigla namang dagsa ang tulong para sa kanila.

Isa na rito ang 'boxing senator' na si Senator Manny Pacquaio na nagpaunlak pa ng video call sa mag-asawa.

Sa ulat ni Jorge Cariño, halos hindi makapaniwala ang mag-asawa na naririnig nila ang boses ng pambansang kamao na nagbigay pa ng mensahe ng pag-asa para sa kanila.

Bukod kay Pacquiao, inulan din ng tulong ang mag-asawa mula sa mga kababayan nating nagmalasakit sa kalagayan ng panilya Gahit sa ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Walang humpay ang tawag na kanilang natatanggap at inaalam ang kinaroroonan ng mag-asawa.

Sa dami ng kanilang natanggap, plano na rin nilang magbahagi ng iba pang mga biyayang natanggap sa mga kapitbahay nilang wala pa ring natanggap na ayuda.

Samantala, kapansin-pansin ang pagtulong ni Senator Pacquiao sa mga taong nangangailangan ngayong panahon ng krisis dala ng COVID-19.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibalitang nagpaabot din siya ng tulong sa mga kababayan nila sa Sarangani province.

Binahagi rin ng Manny Pacquiao Public Information System ang video ng pagpapaabot ng tulong ng senador sa mga kababayan nating hindi raw umano nakatanggap ng ayuda dahil sa wala silang permanenteng masisilungan o ang iba ay ay walang maipakitang ID.

Si Manny Pacquiao ay isang Filipino boxer na naging politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ni Mommy Dionisia Pacquiao. Aminadong laki sa hirap si Manny dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pagtulong niya sa mga taong kapos sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel