Pangulong Duterte, bumwelta sa ‘batukan kaya kita’ comment ni Trillanes

Pangulong Duterte, bumwelta sa ‘batukan kaya kita’ comment ni Trillanes

- May bwelta si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging komento ni dating Senador Antonio Trillanes

- Sabi ng Pangulo, wala na ang P4 trillion budget ng gobyerno na tinutukoy ng dating senador

- Dagdag pa niya, ipapasampal niya si Trillanes sa kanyang driver dahil ito raw ang ka-level niya

- Ayon kay Finance Secretary Sonny Dominguez, nasa P352.7 billion na ang nagagastos ng gobyerno kontra COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinagot na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bwelta sa kanya ni dating Senador Antonion Trillanes.

Nalaman ng KAMI na itinanggi ni Pangulong Duterte ang paratang ni Trillanes na may P4 trillion budget pa ang gobyerno para sa 2020.

Ayon sa nation address ng Pangulo na inere ngayong Biyernes ng umaga, pinag-usapan ng mga opisyal ang budget laban sa coronavirus disease o COVID-19.

Sabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez, nasa P352.7 billion na ang nagagastos ng gobyerno kontra COVID-19.

Nabanggit naman ng Pangulo ang naging pahayag ni Trillanes laban sa kanya kamakailan lang.

“‘Yang sinasabi ni, isa pa itong walang alam, ito si Trillanes. Nagsasalita ng trillion-trillion, trillion na hangin. Trillion of cubic meters of air in your head and it is too tight that is why para kang buang, na nagsasalita ka ng trillion,” aniya.

“Puro porma, puro hambog, puro hamon at batukan mo raw ako? Sabihin ko sa driver ko sampalin ka. Ang driver ko na ang utusan ko. Ang tingin ko sa iyo, ka-level mo driver,” dagdag pa ng Pangulo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naibalita ng KAMI na nitong nakaraan ay sinabi ni Trillanes ang “Batukan kaya kita?” comment laban kay Pangulong Duterte.

Paliwanag ni Trillanes, may P4 trillion na budget ang gobyerno kaya hindi na dapat umano humingi ito ng ambag sa mga kritiko niya.

Si dating Senador Antonio Trillanes ay kilala bilang oposisyon sa bansa. Noong Halalan 2016 ay tumakbo siya bilang bise president, ngunit natalo siya kay Bise Presidente Leni Robredo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In our new episode, we show you all of the essential rules to follow amid the COVID-19 crisis in our country! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel