Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at ilan pang piling probinsya, extended

Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at ilan pang piling probinsya, extended

- Nag-anunsiyo na si Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa extension ng enhanced community quarantine sa ilang piling probinsya

- Kabilang na rito ang Kalakhang Maynila, Central Luzon, Calabarzon at iba pang mga probinsya o lugar na mataas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19

- May ilang lugar naman na maaring mare-evaluate pagdating ng Abril 30

- Ito ay base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force Of the emerging Infectious Diseases

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Extended ang enhanced community quarantine sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon hanggang Mayo 15.

Ito ay ayon sa binasang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque base sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isina-ere at binahagi ito ng Presidential Communications (Government of the Philippines) umaga ng Abril 24.

Isinaalang-alang din ng Pangulo ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force of the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na i-extend din ang ECQ sa mga sinasabing high-risk na na lugar tulad ng Pangasinan, Benguet, Mindor Island, Albay at Catanduanes.

Tulad din kasi ng tatlong nabanggit na mga rehiyon, ang mga lugar na ito ay mayroon pa ring matataas na bilang ng COVID-19.

Samantala, maari namang mare-evaluate ang ECQ sa Benguet, Pangasinan, Tarlac and Zambales pagpatak ng Abril 30.

Oobserbahan din ang ilang mga high-risk na lugar tulad ng Antique, Iloilo, Aklan, Capiz, Cebu province, Cebu City, Davao del Norte, Davao City and Davao de Oro para ma-reassess.

Magkakaroon naman ng general quarantine guidelines para sa mga moderate-risk areas at Low-risk areas simula Mayo 1.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang listahan ng mga tinatawag na Moderate-risk areas:

Abra, Ilocos Norte, La Union, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Marinduque, Camarines Sur, Aklan, Capiz, Samar, Western Samar, Zamboanga Del Sur, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, North Cotabato, South Cotabato, Maguindanao, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Davao del Sur, Davao Oriental, Sultan Kudarat, Lanao del Sur.

Habang ang mga Low-risk areas naman ay ang mga sumusunod:

Apayao, Mountain Province, Ifugao, Kalinga, Ilocos Sur, Batanes, Quirino, Aurora, Palawan, Romblon, Camarines Norte, Sorsogon, Masbate, Guimaras, Bohol, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Camiguin, Davao Occidental, Sarangani, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Basilan and Sulu.

Sa ngayon, nasa ikalawang extension pa rin ang ECQ ng Luzon hanggang Abril 30.

Paalala ng Pangulo na manatili pa rin sa mga bahay ang mamamayan lalo na at mas lalong pinaigting ang pagbabantay ng awtoridad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel