Mayor Vico, proud sa Pasigueñong nagsauli ng sobra sa natanggap na food coupon

Mayor Vico, proud sa Pasigueñong nagsauli ng sobra sa natanggap na food coupon

- Ibinida ni Mayor Vico Sotto ng Pasig City ang katapatan ng isang nanay sa kanilang lungsod

- Binahagi niya ang larawan ng isinauling pera ng isang ina mula sa ipinamigay na food coupon ng lungsod

- Nagamit daw ng nanay ang 200 sa dapat ay 400 na food coupon ngunit dahil daw sa nakonsensya ito, isinauli ang 200 daang piso

- Humanga ang alkalde sa katapatang ginawa ng nanay na Pasigueño

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post na binahagi mismo ni Mayor Vico Sotto ng Pasig tungkol umano sa katapatang pinakita ng isang nanay na Pasigueño.

Base sa post, isinauli raw ng isang nanay sa kanilang lungsod ang nakuhang sobrang food coupon.

400 daw dapat ang halaga nito at aminadong nagamit sa talipapa ang halagang 200

Ngunit dahil nakonsensya umano ito, pinalitan niya ang nagastos na 200 ng katumbas nitong pera at isinauli ang natitira pang 200.

Bumilib ang alkalde dahil sa katapatan ng nanay na ito sa kabila ng hirap ng buhay na kinahaharap dala ng krisis ng bansa dahil sa COVID-19.

Samantala, inulan din ng papuri mula sa netizens ang di na pinangalanang tapat na ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento:

"Very good nanay. More blessings pa babalik sayu nanay. Talaga nman pag honest ang leader posible maging honest din ang mga member. Tulad ni mayor vico. Goodjob!! God bless"
"Kung tutusin sa hirap ng buhay madali ng 123 yan, pero nakaka proud lang talaga, nakaka proud din mga anak nya kasi God and Family first sila palagi. Kaya kahit minsan nahihirapan sila pero makikita mo na gumagaan din buhay nila agad."
"Salamat sa nanay na nag soli at kahit spanahon ngayon na kailangan yan minabuti nyang ibalik mas higit pa dyan ang biyayang. Babalik sayo"
"Sa panahong ganto bibihira nlng yung gumagawa niyan. Bless you nay."
"Nakakatuwa lang talaga isipin n ang pagiging mabuti ng isang namumuno ay naadopt ng mga taong nasa paligid niya.saludo po ako sa pamunuan niyo mayor vico sampu ng lahat ng iyong mga katuwang sa pamamahala sa buong PASIG CITY at mga taong matapat n d nagpapadala sa kinang ng salapi!"

Ang 400 halaga na food coupon ay ibinahagi sa mga estudyante ng pampublikong paaralan sa Pasig City ngayong naka-enhanced community quarantine ang Luzon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel