Emosyonal na tagpo ng 4 na buwang gulang na COVID-19 survivor at ina, sapul sa video

Emosyonal na tagpo ng 4 na buwang gulang na COVID-19 survivor at ina, sapul sa video

- Nakunan ng video ang madamdaming tagpo ng ina at apat na buwang gulang na sanggol na naka-recover sa COVID-19

- Isang buwang nagpagaling ang walang kamuwang-muwang na sanggol, kaya naman hindi nito kapiling ang ina

- Kapansin-pansing maayos ang kalagayan ng bata nang ilabas sa ospital at tahimik na sinalubong ng ina

- Naroon din ang ilang mga health workers na nagpakita ng kasiyahan sa paggaling ng bata at nakasama na rin nito ang kanyang magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang emosyonal na tagpo ang naganap sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital nang ma-discharge na sa ospital ang apat na buwang sanggol na naka-recover sa COVID-19.

Binahagi ng doktor na si ELmer SmiTh ang madamdaming pagkikita muli ng mag-inang hindi nakapiling ang isa't isa sa loob ng isang buwan.

Kahit pa sanggol ang tinamaan ng COVID-19, hindi ito maaaring alagaan ng ina dahil sa maaring mahawa rin ito ng naturang virus.

Kaya naman isang buwang ipinagdasal ng ina ng sanggol ang tagpong ito at laking pasalamat niyang nalampasan ng kanyang anak ang bagsik ng COVID-19.

"Our first pedia covid patient was discharged today," ang caption ng nakakatunaw ng puso na post.

Makikita rin ang suporta at kasiyahan ng ilang staff ng ospital dahil sa paggaling ng sanggol at ang muling pagkikita ng mag-ina.

Mapapansin ding maayos at nasa malusog na pangangatawan ang bata na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari.

Samatala, marami ring netizens ang natuwa sa recovery ng matapang na sanggol na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Galing! kakaiyak nmn yan"
"Nakakaiyak naman.... God is so good all the time...!!!!"
"Good job, salute to all Fabella warriors"
"Ang galing galing!!! Congrats sa lahat ng frontliners!!!!doc elms share ko to ah"
"Wow ! God is good kakaiyak nman yan Doc"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Her name is Maureen and even amid the coronavirus outbreak, she goes out every day to take care of over 70 stray dogs. Kudos to this incredible kind-hearted woman who proves that heroes are among us.

Kind-Hearted Filipina Maureen: Frontliner For Stray Dogs | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel