Larawan ng masayang 72-anyos na nakatanggap ng ayuda, pumukaw sa puso ng netizens

Larawan ng masayang 72-anyos na nakatanggap ng ayuda, pumukaw sa puso ng netizens

- Nakakatunaw ng puso ang ngiti ng isang matanda mula sa Nueva Ecija nang makatanggap ito ng ayuda mula sa gobyerno

- Ayon sa mga nakakakilala sa 72-anyos na matandang babae, masipag daw itong naghahanapbuhay sa kabila ng kanyang edad

- May anak naman daw itong matiyaga ring nagtatrabaho bilang construction worker ngunit dahil sa ecq, pansamantala itong walang pinagkakakitaan

- Kaya naman malaking bagay sa mag-ina ang ayudang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumukaw sa puso ng mga netizens ang matamis na ngiti ng 72- anyos na si Florentina mula Cuyapo, Nueva Ecija nang makatanggap umano ito ng ayuda mula sa DSWD.

Binahagi ng Department of Social Welfare and Development Region 3 ang larawan ni Florentina na hawak ang halagang ₱6,500 na malaking tulong sa kanya.

Ayon sa ilang nakakakilala sa matanda, masipag daw itong nagtitinda ng mga reject na mais matapos na ito'y pulutin at nagtatahip din siya ng palay.

Tulad ni Florentina, masipag din umano ang anak nitong matiyagang nagtatrabaho bilang construction worker ngunit dala ng banta ng COVID-19 at naka-enhanced community quarantine, pansamantala itong walang trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahang nadarama ng matanda at bakas na bakas ito kanya.

Walang humpay din ang pasasalamat nito sa naghatid ng ayuda sa kanila na agad daw niyang ipambibili ng pagkain.

Una na rin siyang nabigyan ng manok at bigas ng LGU sa kanilang lugar at nagtatalon pa raw ito sa tuwa.

Hiling nga maraming netizens na matulungan pa ang mga tulad ni Florentina na sa kabila ng edad ay matiyaga paring naghahanapbuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel