Ina ng batang arkitektong may leukemia, nangangalap ng tulong para sa mabuting anak

Ina ng batang arkitektong may leukemia, nangangalap ng tulong para sa mabuting anak

- Isang nakakatunaw ng pusong liham ang binahagi ng isang ina na nangangalap ng tulong para sa anak niyang tinamaan ng leukemia

- Mabuting anak, mabait na kapatid at isang responsableng arkitekto si Sheika Tallud na nangangailangan ng may kalakihang halaga para sa kanyang bone marrow transplant

- Pareho mang may trabaho ang kanyang mga magulang, ngunit dala na rin ng krisis na kinahaharap ng bansa dahil sa COVID-19, hindi nila kakayanin ang milyon-milyong halaga para sa naturang operasyon

- Patuloy na inilalaban ng mga magulang ni Sheika ang kanyang pagpapagaling dahil alam nilang isa itong mabuting tao na marami pang magagawang magagandang bagay para sa kanyang kapwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-pansin sa social media ang madamdaming liham ng isang ina na nagpakilalang si Shyla Tallud tungkol sa anak niyang si Sheika.

Sa kanyang Facebook post, binahagi ni Shyla kung paano nila maayos na pinalaki ang kanilang mga anak lalo na ang panganay nilang si Sheika na isa ngayong ganap na arkitekto.

Subalit sa kabila ng tagumpay at maayos na pamumuhay na kanilang tinatamasa, tinamaan naman ng Acute Myelogenous Leukemia si Sheika.

Dahil dito, nakailang cycle na siya ng chemotheraphy at bone marrow tests at kamakailan, inabisuhan na sila ng doktor na kinakailangan na ng batang arkitekto ng bone marrow transplant para sa tuluyan niyang paggaling.

Bagaman at may maayos na trabaho ang mga magulang ni Sheika, aminado silang mahirap na makalikom ngayon ng ₱2.5 hanggang ₱3 million dala ng krisis na kinahaharap natin dahil sa COVID-19.

Kaya naman buong tapang na kumakatok sa may mga mabubuting loob at may kakayahang tumulong ang ina ng batang arkitekto.

Mama, Papa, mabubuhay pa ba ako? Gusto ko pa pong mabuhay dahil marami pa po akong mga panagarap na nais kong maisakatuparan para sa aking sarili, pamilya at sa mga kapwa kong lumalaban din sa karamdamang ito,“ ang pahayag ni Sheika na siyang pinanghahawakan ngayon ng kanyang mga magulang kaya nais nila itong gumaling.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng post at iba pang detalye:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Her name is Maureen and even amid the coronavirus outbreak, she goes out every day to take care of over 70 stray dogs. Kudos to this incredible kind-hearted woman who proves that heroes are among us.

Kind-Hearted Filipina Maureen: Frontliner For Stray Dogs | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel