Mayor Sara Duterte, mamimigay ng 10,000 ChickenJoy sa may pinakamababang kaso ng COVID-19 sa Davao

Mayor Sara Duterte, mamimigay ng 10,000 ChickenJoy sa may pinakamababang kaso ng COVID-19 sa Davao

- May naisip na kakaibang paraan si Mayor Sara Duterte upang hikayatin ang mga residente na maging ma-ingat ngayon sa COVID-19

- Sabi ni Inday Sara, mamimigay siya ng 10,000 na fried chicken sa lugar na may pinakamababang kaso ng COVID-19

- Bukod pa rito, mamimigay din siya ng 10,000 na bote ng softdrinks sa lugar na hindi na tataas ang dami ng kaso

- Noong nakaraan, binigay naman ni Sara Duterte ang kanyang sahod para sa isang taon sa mga health care workers na tinamaan ng coronavirus disease

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May kakaibang pamamaraan si Mayor Sara Duterte para hindi na madagdagan pa ang kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Davao City.

Nalaman ng KAMI na mamimigay ng maraming fried chicken si mayora sa lugar na may pinakamababang kaso ng COVID-19.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nasa 10,000 na Chickenjoy ang ipapamigay ni Inday Sara sa may pinakamababang kaso pagsapit ng Mayo 31, 2020.

"Kadtong cluster nga pinaka-least of positive cases by May 31, librehon tamo tanan og 10,000 Jollibee Chickenjoy. Of course, first come, first served ni," aniya sa Davao City Disaster Radio.

('Yung cluster na may least positive cases by May 31, 2020, librehin ko kayo lahat ng 10,000 fried chicken. Of course, first come, first served ito.)

"Kinahanglan kamong tanan, magbuhat mo og paagi nga dili motaas ang inyong positive cases,” dagdag niya pa.

(Kailangan kayong lahat, may paraan para hindi na tataas pa ang bilang ng positive cases.)

Bukod pa rito, mamimigay din siya ng 10,000 na bote ng 1 litro ng Coke sa cluster na hindi na tataas pa ang dami ng kaso.

Ipinatupad na rin ang clustering ng mga distrito ngayong linggo sa Davao City. Sa ngayon, ang Cluster 1 ang may pinakamaraming kaso, mayroon itong 43 na kumpirmadong kaso ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naiulat ng KAMI na ibinigay din si Inday Sara ang kanyang isang taong sahod na may halagang 2.1 million para sa mga health care workers na tinamaan ng coronavirus disease.

Si Sara Duterte ay ang nag-iisang anak na babae ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang dating asawa na si Elizabeth Zimmerman. Dalawang beses na siyang nananalo bilang alkalde ng Davao City.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In our new episode, we show you all of the essential rules to follow amid the COVID-19 crisis in our country! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel