'Harutan' ng 2 senior citizen, nagdala ng good vibes sa netizens

'Harutan' ng 2 senior citizen, nagdala ng good vibes sa netizens

- Nagbigay ng saya para sa karamihan ang nakakatuwang video ng dalawang senior citizen na tila nagbalik sa kanilang kabataan

- Sa nasabing viral video, makikita ang dalawa na naghahabulan at parang mga batang naglalaro

- Marami ang humanga sa dalawa na sa kabila ng kanilang edad ay nakukuha pa ring maging positibo sa gitna ng krisis na kinakaharap ng lahat

- Umabot naman sa libo-libo ang views ng nasabing video sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naghatid ng kakaibang saya sa karamihan ang isang video tampok ang dalawang senior citizen na tila ba nagbalik sa kanilang kabataan.

Sa video na in-upload ng netizen na si Pauline Pepito-Limbagan na ngayon ay viral na sa social media, kita ang isang matandang lalaki at matandang babae habang naghahabulan.

"If childishness would make me this happy then I promise to never lose it," ayon sa Facebook caption ni Pauline na mas nagbigay pa ng nakaka-touch na mensahe.

Sa gitna ng krisis na kinakaharap ng marami dahil sa coronavirus, nagbigay naman ito ng pag-asa at good vibes.

Kaya naman marami ang humanga sa dalawa na nananatili pa ring positibo at masaya kahit sa simpleng paraan.

Umabot naman sa libo-libo ang views ng nasabing video sa social media at umani rin ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

"Napa-smile ako."
"lola lolo baka magkatuluyan kayo ah. aral muna. hahahaha."
"I love it, ang sweet naman ni lolot lola."
"Yung nakangiti ka the whole time you're watching it."
"Sana all my forever."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post -HumanMeter

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel