Mga OFW galing Middle East, hinarang ng mga residente sa Batangas

Mga OFW galing Middle East, hinarang ng mga residente sa Batangas

- Bigla umano hinarang ng mga residente ng Batangas ang bus ng mga OFWs na galing Middle East

- Nangangamba ang mga residente na baka may dalang COVID-19 ang mga OFWs

- Papunta sana ng Nasugbu, Batangas ang mga OFW para sumailalim sa kanilang 14-day quarantine

- Panawagan ng mga OFW, gutom at pagod na sila kaya sana ay matulungan sila sa kanilang sitwasyon ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hinarang ang mga bus na papunta sana ng Nasugbu, Batangas nitong Huwebes ng umaga.

Nalaman ng KAMI na ang mga bus na nasa Lian, Batangas ay may dalang 320 na mga overseas Filipino workers (OFWs) na galing sa Middle East.

Ayon sa ABS-CBN News, hinarang umano ng mga residente ang mga OFW dahil sa pangambang may coronavirus disease o COVID-19 ang mga ito.

Noong Miyerkoles nakauwi ng Pilipinas ang mga OFW na galing sa Saudi Arabia, Kuwait, at Qatar. Sila ay dadalhin sana sa mga resort sa Lian, Batangas kung saan sila sasailalim sa 14-day quarantine.

Sabi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), bandang alas-2 ng madaling araw nang harangin ng mga residente ang convoy. Hanggang bandang alas-6 ay stranded pa rin ang mga pagod at gutom na OFW sa loob ng bus.

Kwento ng isang OFW, hindi na raw nila nasusunod ang social distancing dahil sa sitwasyon nila at tatlong araw na rin umano silang walang ligo.

“Pagod na kami. ‘Yung sinasabing social distancing, nawawala na. Second, ‘yung hygiene namin wala na rin kasi almost 3 days na kaming walang ligo, wala lahat. Pati pagkain, bitin,” aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naibalita rin na pumunta na si OWWA Administrator Hans Cacdac sa Batangas upang magpaliwanag at humingi ng paumanhin sa mga OFWs. Makikipag-ugnayan din ang OWWA sa lokal na pamahalaan upang maresolba ang isyu.

Samantala, nauna nang naiulat ng KAMI na sa ngayon nga ay nasa 6,710 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ang mga pasyenteng gumaling ay nasa 693 na.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In our new episode, we show you all of the essential rules to follow amid the COVID-19 crisis in our country! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel