Lalaking sinita sa 'di pagsunod sa social distancing, nakipagsagutan

Lalaking sinita sa 'di pagsunod sa social distancing, nakipagsagutan

- Mainit ang naging diskusyon ng isang negosyante at ng hepe ng Coron PNP matapos masita ang una dahil sa 'di pagsunod sa social distancing

- Nakuhanan ng video ang pangyayari na agad na nag-viral sa social media at umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens

- Ayon sa video, may dalang mga gamot ang negosyante na nasa loob ng sasakyan nito ngunit lumagpas sa bilang ang mga pasahero sa loob nito base sa ipinapatupad na social distancing

- Bunsod ito ng pagtugon ng pamahalaan at mga awtoridad upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging mainit ang diskusyon ng isang negosyante at ng hepe ng Philippine National Police sa Coron na si Police Major Thirz Starky Timbancaya na nakuhanan ng video.

Ayon sa post ng 103.1 Brigada News FM Puerto Princesa City Palawan, nasita ang negosyante matapos makitang hindi sumunod sa social distancing.

Lumagpas ang bilang ng pasahero nito sa sasakyan base sa ipinapatupad ng mga awtoridad.

Giit naman ng negosyante, may mga dala silang gamot. Pero kinalaunan ay pinababa nito ang isa sa mga sakay nito na kanya palang empleyado.

Ayon sa report ng GMA News, nag-alok naman daw ang PNP na sila na ang maghahatid sa mga mapapababang pasahero.

Nang bantaan na ni Timbancaya ang negosyante na aarestuhin ito dahil sa pambabastos nito sa opisyal ay tila bahagyang huminahon ito at humingi ng tawad.

Hindi rin daw nito binabastos ang hepe ng pulisya.

Matatandaang isa ang social distancing sa ipinapatupad ng mga awtoridad at mahigpit na ipinapayo upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kabilang ang ating mga sundalo at mga pulis sa mga frontliners at naatasang magpatupad ng disiplina at kapayapaan sa bansa. Maging sila ay nagbubuwis din ng kanilang buhay para sa bayan.

Sa isang report ng KAMI, dalawang sundalo naman na kasamang namimigay ng ayuda mula sa gobyerno ang nasawi matapos ang pag-atake ng NPA.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post -HumanMeter

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel