2 sundalo na kasamang namimigay ng ayuda, patay sa pag-atake ng NPA

2 sundalo na kasamang namimigay ng ayuda, patay sa pag-atake ng NPA

- Patay ang dalawang sundalo habang tatlo naman ang sugatan sa pag-atake ng hinihinalang NPA

- Ayon sa report, kasama ang ilang sundalo na miyembro ng 91st Infantry Battalion ng DSWD habang namimigay ng ayuda mula sa Social Amelioration Program ng gobyerno

- Nangyari ang pag-atake sa Maria Aurora sa probinsiya ng Aurora noong Martes, April 12

- Kamakailan lang ay nasawi ang 12 sundalo matapos ang bakbakan sa Sulu sa pagitan nito at ng grupong Abu Sayyaf

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patay ang dalawang sundalo habang tatlo naman ang sugatan matapos atakihin ng grupong hinihinalang NPA.

Ayon sa report ng Inquirer, kasama ang ilang sundalo na miyembro ng 91st Infantry Battalion ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang namimigay ng ayuda mula sa Social Amelioration Program ng gobyerno.

Nangyari ang pag-atake sa Maria Aurora sa probinsiya ng Aurora noong Martes, April 12.

Sa ulat ng CNN Philippines, kinilala ang mga nasawi na sina Pfc. Ken Lester I. Sasapan at Pfc. Jackson M. Mallari.

Batay sa report ng Public Information Office ng Army’s 7th Infantry Division, pinaputukan umano ng NPA ang mga militar habang papunta sa isang village sa Diaat. Gumanti ng putok ang mga sundalo at tumagal ito ng isang oras.

Agad na nasawi ang isang sundalo habang naisugod pa ang isa sa ospital ngunit pumanaw din kinalaunan.

Kinondena naman ng acting commanding officer ng 91st IB na si Lt. Col. Reandrew Rubio ang insidente sa gitna ng krisis na kinakaharap ng marami nating kababayan.

Kamakailan lang ay nasawi ang 12 sundalo matapos ang bakbakan sa Sulu sa pagitan nito at ng grupong Abu Sayyaf, na una nang naiulat ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post -HumanMeter

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel