62-anyos na lalaki na pumila sa relief goods, biglaang pumanaw

62-anyos na lalaki na pumila sa relief goods, biglaang pumanaw

- Biglaan ang pagpanaw ng isang senior citizen sa Nabua, Camarines Sur na pumila lamang daw para sa relief goods

- Ayon sa saksi, bigla na lang hinimatay ang 62-anyos na lalaki at kalaunan ay nanigas na

- Dinala muna sa Barangay Health Center ang lalaki bago isinugod sa ospital kung saan ito binawian ng buhay

- Ayon naman sa kagawad ng barangay, paulit-ulit nilang sinasabi sa kanilang mga taga-barangay na bawal pumunta ang mga senior citizen, may karamdaman at mga bata sa venue kung saan namimigay ng relief goods

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binawian ng buhay ang isang senior citizen sa Nabua, Camarines Sur na pumila lamang daw para sa relief goods.

Sa report ng GMA News (Reporter, Cedric Castillo), kausap lamang daw ng tanod na si Ernesto Millete ang 62-anyos na lalaki na si Roger Relano Abillonar sa covered court ng barangay Santo Domingo nang bigla na lamang itong hinimatay.

Pinaupo pa raw nila ito pero naninigas na raw si Abillonar.

Dinala muna sa Barangay Health Center ang lalaki bago isinugod sa ospital kung saan ito binawian ng buhay.

Ayon naman sa kagawad ng barangay na si Lilia Azul, paulit-ulit nilang sinasabi sa kanilang mga taga-barangay na bawal pumunta ang mga senior citizen, may karamdaman at mga bata sa venue kung saan namimigay ng relief goods.

Samantala, napag-alaman naman na inabutan ng enhanced community quarantine ang mga anak ni Abillonar ayon sa misis nito kaya ito ang pumipila sa barangay para makakuha ng ayuda.

Sabi pa ng ginang, walang sakit ang kanyang mister.

Nangako naman ang barangay ng tulong para sa mga naulila ng nasawi.

Nakikiramay ang KAMI sa pamilya ni tatay Roger.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post -HumanMeter

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel