Mag-balae na 4Ps beneficiary, ginamit ang ayuda pamuhunan sa droga

Mag-balae na 4Ps beneficiary, ginamit ang ayuda pamuhunan sa droga

- Arestado ang dalawang ginang sa isang buy-bust operation sa Quezon City matapos maaktuhang nagbebenta ng droga ang isa sa mga ito

- Ang dalawang suspek na ito ay mga 4Ps beneficiaries at nakatanggap ng P6,700 bawat isa mula sa pamahalaan

- Ayon sa ulat, ginamit umanong puhunan ng dalawa ang ayudang natanggap sa ipinagbabawal na gamot

- Kasamang naaresto ang dalawang anak ng isa sa mga ito na inamin ang krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang dalawang ginang sa Barangay Tatalon sa Quezon City matapos maaktuhang nagbebenta ng droga sa isang buy-bust operation batay sa report ng GMA News (Reporter, James Agustin).

Kinilala ang mga suspek na sina Elvie Flores na siyang nabilihan ng droga at ang balae nitong si Raquel Bona na napag-alamang parehong miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ayon sa ulat, nakatanggap sina Flores at Bona ng P6,700 bawat isa mula sa pamahalaan na ginamit umanong puhunan ng dalawa sa ipinagbabawal na gamot kahit pa umiiral ang enhanced community quarantine.

Inamin ni Flores na hanapbuhay niya ang paglalako ng ipinagbabawal na gamot samantalang si Bona ay itinanggi na may nalalaman sa transaksyon nito.

Kasamang naaresto ang dalawang anak ni Flores na nagsisilbing runner ayon kay P/Capt. Randy Llanderal.

Nakuha mula sa mga suspek ang tinatayang P34,000 halaga ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala, matatandaang naging mainit sa mata ng ilang Pinoy ang mga miyembro ng 4Ps matapos ang sunod-sunod na balita ukol sa maling paggamit ng mga ito ng ayudang natanggap mula sa gobyerno.

Kamakailan lang, ilang 4Ps din ang naaresto nang maaktuhang nagsusugal sa isang burol sa kabila ng umiiral na ECQ, na una nang naibalita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post -HumanMeter

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel