DOH: Transmisyon ng COVID-19 sa Pinas, bumabagal na

DOH: Transmisyon ng COVID-19 sa Pinas, bumabagal na

- Ayon sa Department of Health (DOH), bumabagal na ang transmisyon ng COVID-19 sa Pinas

- Medyo bumabagal na raw ang oras para mag-doble ang dami ng kaso ng coronavirus disease sa bansa

- Subalit, hindi pa rin daw dapat makampante ang mga Pilipino sa ngayon

- Nasa higit 6,500 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa ngayon ng DOH

- Patuloy din naman ang pagdami ng mga pasyenteng gumagaling sa sakit na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa Department of Health (DOH), bumabagal na ang doubling time o transmisyon ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na ito ay isang magandang senyales para sa bansa, sabi ng DOH.

Base sa ulat ng GMA News Online, bumabagal na raw ang oras para dumoble ang numero ng mga kaso sa bansa.

"Nakikita natin 'yung doubling time ng sakit, 'yung oras para mag-doble ng numero ang kaso ng COVID-19, ay medyo bumabagal,” sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

"Dati nasa three days tayo, ngayon limang araw na ang binibilang natin. Magandang senyales 'yan para sa ating lahat," dagdag niya pa.

Paliwanag pa ng health undersecretary, kailangan pang pag-aralan kung nararapat na bang tanggalin ang paghihipit sa bansa ngayon.

"Kasi nakikita natin sa ibang bansa ngayon, may mga resurgent o biglang nagsa-spike ulit ang mga kaso nila pagkatapos nilang mag-lift ng mga stringent measures. Kailangan nating pag-aralan maigi ito at pag-usapan maigi," aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naibalita ng KAMI na patuloy ang pagdami ng mga nakaka-rekober sa COVID-19 dito sa Pinas kaysa sa mga nasawi. Subalit, hindi raw dapat makampante ang mga Pinoy dito.

Sa ngayon, nasa 6,599 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Nasa 654 naman ang lahat ng pasyente na gumaling dito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In our new episode, we show you all of the essential rules to follow amid the COVID-19 crisis in our country! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel