Secretary Karlo Nograles, naiyak nang mapanood ang sakripisyo ng frontliners para sa bansa

Secretary Karlo Nograles, naiyak nang mapanood ang sakripisyo ng frontliners para sa bansa

- Hindi napigilan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na maluha nang makita ang tribute ng programang "Wowowin-Tutok To Win" para sa mga frontliners ng bansa laban sa COVID-19

- Naaawa raw siya sa mga frontliners sa araw-araw na hinaharap ng mga ito

- Lalo na raw sa mga kapulisan na may mga pamilya rin naman at nahihirapan, madalas pang pag-isipan ng iba na mga "kaaway" na nila ito sa ngayon

- Nabanggit din nito ang kasalukuyang kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nilarawan niyang "Pasan niya ang mundo"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napaiyak si Cabinet Secretary Karlo Nograles nang mapanood nito sa programang "Wowowin-Tutok To Win" ang isang video na nagpapakita ng sakripisyo ng mga frontliners laban sa COVID-19.

Hindi niya napigilan ang kanyang emosyon lalo na nang hingan siya ni Willie Revillame ng mensahe para sa publiko patungkol sa napanood na tribute.

Binigyang diin ni Nograles na spokesperson din ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang awang nararamdaman niya sa mga kapulisan.

Sinabi niyang may mga pamilya rin itong hindi na nauuwian, tinatamaan din daw ang mga ito ng sakit at sa kasamaang palad, ilan na rin ang pumanaw dahil sa COVID-19.

Hiling niyang huwag namang itrato ang kapulisan na mga "kaaway" dahil ginagawa lamang ng mga ito ang kanilang dapat na gawin sa panahong matindi pa rin ang laban natin sa COVID-19.

Nanawagan siya sa ating mga kababayan na matutong makiisa sa mga awtoridad na naghihigpit lamang para rin sa seguridad ng kalusugan ng bawat isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nabanggit din nito ang kasalukuyang kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nilarawan niyang pasan nito ang daigdig sa panahon ngayon.

Maaalalang pinag-usapan din ang hindi inaasahang video ni Nograles ng sarili niyang version ng "Fight Song."

Binahagi niya ito sa kanyang Instagram bilang pagbibigay pugay sa mga frontliners na nagbubuwis ng kanilang buhay kontra COVID-19.

Bukod sa pagiging cabinet secretary at tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, nagsilbi rin si Karlo Alexei Bendigo Nograles bilang congressman ng unang distrito ng Davao City mula 2010 hanggang 2018.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel