Nakakabilib na pag-aasikaso ng isang babae sa matandang pulubi, sapul sa video

Nakakabilib na pag-aasikaso ng isang babae sa matandang pulubi, sapul sa video

- Hinangaan ang isang babaeng hindi lamang nagbigay ng pagkain kundi inasikaso pa ang isang matandang pulubi na lumapit sa kanya

- Imbis na layuan at pandirian, binigay niya ang lahat ng napamili

- Pinagbukas pa niya ito ng makakakain at maiinom

- Inulan ng papuri ang babae na sana raw ay tularan pa ng marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa video ang pagtulong ng isang babae sa pulubing napansin niyang sumusunod sa kanya.

Binahagi ng netizen na si Florendo Bonavente Bern video kung saan makikita na kasabay na halos maglakad ng babae ang matandang lalaki.

Imbis na pandirihan o layuan, huminto pa ang dalawa at nagawa pa ng babae na ipagbukas ng pagkain at inumin ang matanda.

Inasikaso niya ito ng walang halong pag-aalinlangan at mapapansing kinakausap pa niya ito.

Iniwan na rin ng babae ang lahat ng kanyang pinamili sa matanda bago umalis.

Maririnig din sa video na ang mismong kumukuha nito ay humanga na agad sa kabutihan ng babae.

Dahil dito maging ang ibang mga netizens ay natuwa sa kabutihang pinakita ng babae sa taong labis na nangangailangan ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Inasikaso nya pa ang matanda at pinagbuksan nya pa nang inumin bago nya iwan ito! Sobrang inasikaso nya muna bago nya ito iwan! Saludo ako sayo ate!"
"Godbless po ate sana marami pa kaung matulungan katulad ni tatang pulubi"
"Iyan ang tunay na pagtulong ...hindi siya tumulong na may camera...at kung hindi pa sa mga nakakita di nga alam ni Ate na kinuhanan siya ng ganito sa pagtulong"
"Sana marami ang gumaya sa gawain mo ate, lalo na at minsan lang naman tayo makakatulong sa iba"
"Very good girl! karamihan kasi itataboy yan palayo o di kay tatakbo, pero ikaw, inasikaso mo pa!"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel