1 pang sundalo na sugatan sa bakbakan sa Sulu, pumanaw na rin

1 pang sundalo na sugatan sa bakbakan sa Sulu, pumanaw na rin

-Pumanaw na ang isa pang sundalo na kasama sa 14 na sugatan matapos ang bakbakan sa Sulu noong nakaraang linggo sa pagitan ng mga mga militar at Abu Sayyaf

-Ito na ang ika-12 sundalo na namatay dahil sa nasabing engkwentro at nag-iwan ng 13 sugatan

-Nangako naman ng suporta ang Western Mindanao Command para sa mga naiwang pamilya

-Kinondena ng Palasyo ang pangyayaring ito at nagpabatid na rin ng pakikiramay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa pang sundalo na kabilang sa mga nasugatan noong nakaraang linggo ang pumanaw matapos ang bakbakan ng militar at Abu Sayyaf sa Patikul town, Sulu.

Ito na ang ika-12 sundalo na namatay dahil sa nasabing engkwentro.

Ayon kay Maj. Arvin John Encinas, spokesperson ng Western Mindanao Command (Westmincom), dinala ang nasabing sundalo sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City kung saan ito pumanaw noong Lunes ng umaga, batay sa ulat ng PhilStar.

Naipaalam na rin daw sa pamilya nito ang nangyari at iuuwi ang mga labi sa Maynila sa Martes pagkatapos ng funeral honors.

Sa isang report ng ABS-CBN News, nangako ang Westmincom ng suporta para sa mga naiwang pamilya.

Samantala, kinondena naman ng Malacañang ang insidente at nagpabatid na rin ng pakikiramay para sa mga naulila.

Ayon naman kay Brig. Gen Edgard Arevalo, spokesperson ng Armed Forces of the Philippines, hindi magiging dahilan ang nangyari upang tumigil ang militar na tugisin ang mga bandidong grupo.

"Right now, pursuit operations are still ongoing after that incident where 11 of our soldiers laid down their lives for the safety and security of our fellow Filipino in Sulu," anito.

"We were able to successfully confine them in the area. As a matter of fact, as we speak, operations are continuing and we are not going to give them the opportunity to divert some of their terrorist activities in the metropolis," dagdag pa ni Arevalo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post -HumanMeter

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel