Bukod sa ₱10,000: Viral pizza delivery man, nakatanggap ng ₱100,000

Bukod sa ₱10,000: Viral pizza delivery man, nakatanggap ng ₱100,000

- Muli na namang kinilala ang kabutihang ginagawa ng viral pizza delivery man

- Una na siyang nakatanggap ng ₱10,000 bilang pagkilala ng kanyang pinapasukang kompanya na Pizza Hut

- Ngayong naman, ₱100,000 ang kanyang natanggap mula naman sa Araneta Group of Companies dahil sa pagiging "Good Samaritan" umano ng delivery man

- Bukod sa mga gantimpala, nakatanggap din siya ng mga sponsors ng tinapay na maibibigay niya sa mga taong lansangan upang maitabi na lamang daw nito ang ang tip na kanyang natatanggap para naman sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral nitong nakaraang linggo ang isang pizza delivery man na ibinibili ng tinapay ang natatanggap na tip na siyang ibibigay naman niya sa mga taong nagugutom sa lansangan.

Binahagi ito ng may-ari mismo ng bakery na si Raina Ominga dahil sa sobrang tuwa sa ginagawa ng delivery man.

Dahil sa nag-viral ang naturang post, nakilala ang pizza delivery man na si Raymond Papellero.

Napansin naman ng kanyang pinapasukang kompanya ang kabutihang ginagawa ni Raymond kaya nabiyayaan siya nito ng ₱10,000. Una na itong nai-ulat ng KAMI.

Makalipas lamang ang ilang araw, nakatanggap na naman siya ng biyaya mula sa Araneta Group of Companies na nagkakahalaga ng ₱100,000.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa ₱10,000: Viral pizza delivery man, nakatanggap ng ₱100,000

source: The Philippine Star
Source: Facebook

Binahagi ito ng One News, kung saan makikita ang pag-aabot ni Philippine Pizza Inc. chief operating officer Chacha Junio ng malaking halaga kay Raymond.

Bukod dito, binalita rin ni Raina, ang may-ari ng bakery na binibilhan ni Raymond ng bakery na may mga naging sponsors na rin si Raymond sa mga pinamimigay nitong tinapay.

Tinyaga ni Raina na sagutin ang mga katanungan ng netizens mula sa viral post kung paano sila makakatulong sa pamimigay ni Raymond o paano ito makokontak.

Tunay na kahanga-hanga ang ginawa na ito ni Raymond maging ni Raina at mga ganitong klaseng tao ang nararapat nating pamarisan ngayong nahaharap sa matinding krisis ng COVID-19 ang ating bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel