Miyembro ng 4Ps, hinangaan sa pagsasauli ng nadobleng ayuda

Miyembro ng 4Ps, hinangaan sa pagsasauli ng nadobleng ayuda

- Isang miyembro ng 4Ps sa Quezon ang nagsauli ng kanyang nadobleng ayuda

- Nauna na niyang natanggap ang mula sa Pangtawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at muli raw itong nakatanggap ng mula naman sa Social Amelioration Program

- Ito raw ang ikalawang nagsauli ng nadobleng ayuda ayon sa tanggapan ng MSWDO sa Gumaca, Quezon

- Kinilala ang katapatan ng lalaking ito sa kanilang bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang katapatang ipinakita ng isang miyembro ng Pangtawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Gumaca, Quezon nang isauli niya ang nadobleng ayuda na natanggap.

Kinilala ang lalaking si G. Norberto M. Bondoy sa We Love Gumaca Facebook page at makikita ang larawan niyang hawak ang perang nagkakahalaga ng ₱6,500.

Nakatanggap na umano siya ng ayuda mula sa 4Ps at muling nakatanggap ng Social Amelioration Program.

Dahil dito, naisipan niyang isauli ang huling nakuha sa tanggapan ng MSWDO ng kanilang bayan.

Hindi raw ito ang unang beses na may nagsauli ng nadobleng ayuda sa kanilang lugar kaya naman labis na hinangaan ang mga matatapat na mamamayan na ito sa bayan ng Gumaca.

Magsilbing inspirasyon daw umano ang ginawang katapatan at pagmamalasakit sa kapwa na ginawa ni G. Bondoy sa publiko lalo na ngayon na patuloy pa rin tayong lumalaban sa krisis na dulot ng COVID-19.

Tulad ni Bondoy, isa misis mula North Cotabato ang nagsauli rin ng nadobleng ayuda na natanggap ng kanilang pamilya.

Sa naunang ulat ng KAMI, nakilala si Whendy Pido na isinauli sa DSWD Region XII ang natanggap na ayuda dahil nakatanggap naman na raw ang kanyang mister mula sa kabilang barangay.

Ibinalik daw niya ito upang maibigay pa sa ibang nangangailangan.

Sadyang nakakataba ng puso ang mga ganitong klaseng kabutihan na pinakikita ng ating mga kababayan at sana'y pamarisan sila ng marami lalong-lalo na ngayon na napakahalaga ng pakikiisa at pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel