Simpleng vendor na nagsauli ng napulot na 10K, pinuri ni Kap Angelika

Simpleng vendor na nagsauli ng napulot na 10K, pinuri ni Kap Angelika

- Sa pamamagitan ng social media ay pinuri ni Barangay Chairman Angelika Dela Cruz ang vendor na nagsauli ng P10,000

- Mabilis na nag-viral ang katapatang ito ng simpleng tindero na nakilalang si Jojo Tiamzon

- Sa kabila ng hirap ng buhay at krisis na kinakaharap ng karamihan sa atin dahil sa coronavirus ay pinili pa rin nito ang maging mabuti

- Kaya naman hindi na kataka-taka nang dumagsa ang papuri para kay tatay Jojo mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinuri ng aktres at ngayo'y Kapitan ng Barangay Longos sa Malabon na si Angelika Dela Cruz ang viral na vendor na nagsauli ng wallet na naglalaman ng P10,000 na napulot nito.

Sa pamamagitan ng social media ay ipinagmalaki nito ang simpleng tindero na nakilalang si Jojo Tiamzon.

Ayon sa post ni Kapitan Angelika, agad na dinala ni tatay Jojo sa barangay ang napulot na wallet na naisauli agad sa may-ari.

"Sa panahon na naghihirap ang mga tao at naghahanap ng pagkakakitaan Flex ko lang po ang mapaka HONEST na si Sir JOJO TIAMZON nakapulot po sya ng wallet na na naglalaman na 10,000 pesos .. anong ginawa nya? Dinala nya sa barangay at sinoli sa may ari na si JOSE PACHO Sir saludo po ako sa inyo sana po marami pang tao ang maging katulad ninyo .. Salamat din sa aming volunteer na si Joseph Abiado na tumulong Sa kanila," ayon sa post.

Mabilis na nag-viral ang katapatang itong ito ni tatay Jojo lalo na nahaharap sa matinding krisis ang bansa dahil sa coronavirus.

Sa kabila ng hirap ng buhay ngayon at karamihan ay naghahanap ng paraan para maitawid ang pangangailangan ng pamilya, nangingibabaw pa rin ang pagiging mabuti kay tatay Jojo.

Kaya naman hindi na kataka-taka na maraming netizens ang humanga sa pagiging honest nito.

"Saludo po ako sayo. God bless you."
"God will bless you more than you deserve tatay!"
"Thank you po kuya sa mabait mong puso at sinaoli mo po ung wallet ng papa ko saludo po ako sayo maraming salamat po."
"Salute to you manong napakabuti ng puso mo.. sa kabila ng kahirapan ngyon panahon.. pinili mo maging magndang halimbawa.. GID WILL REWARD YOUR GOOD HEART BLESSYOU."
"Salute tay isa kang pong dakila sa mata nang diyos.. At sa tao. Bihira lan po ang kagaya nio. Masusuklian din po kau sa. Pagka dakila nio... Mabuti po kaung tao."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Maria Lourdes Egger dela Cruz-Casareo o mas kilala bilang Angelika Dela Cruz ay isang Pinay actress at singer.

Nagsimula ang kanyang career noong 1990's at nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa TV at maging sa pelikula.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post -HumanMeter

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel