Ilang eksena sa ospital na may COVID-19 patients, ipinakita sa isang video

Ilang eksena sa ospital na may COVID-19 patients, ipinakita sa isang video

- Pinahintulutan ng Tondo Medical Center na makapasok at maipakita ang kaganapan sa loob ng kanilang ospital sa pagresponde nila sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19

- Makikita ang paghahanda ng mga health workers sa pagharap nila sa mga pasyenteng tinamaan ng virus

- Kapansin-pansin din ang ilang pagbabago sa loob ng ospital dahil kailangang nakahiwalay pa rin ang mga pasyenteng ito

- Mariing ipinaaalala pa rin ng mga doktor na manatili sa mga bahay upang huwag nang makahawa pa at patuloy nang mapigilan ang pagkalat pa ng virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinasilip ng Tondo Medical Center ang eksenang kinakaharap nila sa araw-araw sa pagkikipaglaban nila para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Binahagi ng ABS-CBN News reporter na si Jeff Canoy ang mga nasaksihan niyang kaganapan kung ano na nga ba ang lagay ng isang ospital na may mga COVID-19 patients.

Kapansin-pansin dito ang kakaibang itsura na ng mga ospital na mas dumami na ang dibisyon.

Ipinakita rin kung paano naghahanda ang mga health workers sa pagsusuot nila ng mga personal protective equipment o PPE bago humarap sa mga pasyenteng may virus.

Mayroon silang tagasuri kung maayos nilang naisuot ang mga PPE upang masiguro rin ang kaligtasan ng nurse o doktor na may suot nito.

Aminadong nahihirapan ang mga may suot nito dahil bukod sa init dahil sa ilang patong na suot, hirap din silang makakita lalo na kung magsimula na silang magpawis.

12 oras daw ang kanilang shift at may nakatakdang silid na para sa kanila sa ospital para na rin hindi na sila umuwi pa at masiguro naman ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya.

Doble ang hirap at sakripisyo na ginagawa ng mga doktor at nurses bilang mga frontliners laban sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit alam daw nila sa kanilang sarili na ito ang kanilang sinumpaang tungkulin.

Gayunpaman, mariing pinapaalala pa rin ng mga doktor doon na manatili na lamang sa mga bahay upang mapigil na ang patuloy na paglaganap ng virus.

Alam nilang balang araw ay matatapos din ito ngunit sa ngayon, mainam na mag-ingat at makipagtulungan para sa kapakanan ng bawat isa.

Samantala, base sa ulat ng Radyo Singko 92.3, anumang oras ngayong linggo ay magpapahayag na si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanilang napagdesisyunan kaugnay sa enhanced community quarantine.

Base sa tala ng Department of Health, nasa 200 pa rin ang nadadagdag kada araw sa mga kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Nagkakaroon lamang ng pag-asa ang mga Pilipino dahil higit na mas marami na ngayon mga nakaka-recover kumpara sa mga namamatay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya.

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica