Misis, isinauli sa DSWD ang ₱5,000 dahil nakakuha na raw ng ayuda ang kanyang mister

Misis, isinauli sa DSWD ang ₱5,000 dahil nakakuha na raw ng ayuda ang kanyang mister

- Hinangaan ang isang misis dahil sa pagsasauli nito ng ₱5,000 sa DSWD dahil madodoble lamang umano ang ayudang kanilang matatanggap

- Nakakuha na raw kasi ang kanyang mister kaya isinauli na lamang niya ang natanggap para maibigay sa iba

- Kusang loob niya itong ginawa dahil alam niyang ito ang nararapat daw na gawin

- Umani ng papuri ang ginawa na ito ng ginang dahil nangibabaw pa rin umano sa kanya ang katapatan kahit sa panahon ng matinding pangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang ginawa ng isang misis sa Magpet, North Cotabato dahil sa pagsasauli nitong ng natanggap na ayudang nagkakahalaga ng ₱5,000.

Binahagi ng DSWD XII ang kahanga-hangang ginawa na ito ng 28-anyos na ginang na si Whendy Pido at kusang loob na nagbalik ng pera sa kanilang tanggapan.

Katwiran ni Wendy, nakatanggap na umano ang kanyang mister sa kabilang barangay ng ayuda bilang bahagi ng social amelioration program ng pamahalaan kaya minabuti niyang ibalik ang kanyang nakuha.

Naisip niya kasing nadoble na ang para sa kanilang pamilya kaya minabuti niyang ibalik ang pera para na rin mabigyan pa ang iba.

Marami ang bumulib sa katapatan ni Whendy dahil sa kabila ng matinding krisis na dala ng COVID-19, nakita pa rin sa kanya ang katapatan sa kabila ng matinding pangangailangan.

Inulan siya ng papuri sa mga netizens at nararapat lamang daw na pamarisan ang tulad ni Whendy na bagaman at hirap sa buhay, nakuha pa rin nitong isipin ang kapakanan ng iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Dapat ganyan ang tularan ng iba ...ung iba kc pinagsasamantala, biruin nyo po may binata pa na nabigyan ng sac form at nakatanggap ng pera"
"Yan ang tularan nyo tga DSWD tapat na kyo ng bahay laktawan nyo pa,sana tapat tapat kc bawat bahay dw...maging tapat kyo sa obligasyon nyo at ma bless kyo ni Lord at uunlad at lalawig ang inyong buhay!!!d ba para lahat ay masaya kong may pagkakaisa...wala pang makulong..."
"Very honest God bless you isa kang tunay na Pilipino ate"
"Ganitong tao ung mga deserved tlga mkatanggap. ndi abusado at may mabuting kalooban"
"Napakabuti mo ate, sana mabiyayaan ka pa dahil sa ginawa mo"
"Ito ang masarap tulungan, yung mga taong busilak ang kalooban"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya.

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel