Tatay na gustong makauwi sa nagugutom na pamilya, naiyak sa hirap

Tatay na gustong makauwi sa nagugutom na pamilya, naiyak sa hirap

- Naiyak na lamang ang isang manggagawang Pinoy sa kanyang sitwasyon at ng kanyang pamilya na anito ay wala nang makain

- Labis ang sama ng loob nito sa kompanya na diumano'y inabandona na lang sila sa gitna ng krisis

- Kasama ang isang anak, nagdesisyon itong maglakad pauwi sa Zambales kung nasaan ang asawa at maliliit na anak

- Sa tulong ng ating kapulisan na nakakita sa kanila ay nai-ere sa social media ang kanilang kaawa-awang kalagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala nang nagawa ang isang manggagawang Pinoy kung hindi ang maiyak sa hirap ng kanyang sitwasyon at ng pamilya na anito ay wala na raw makain sa kanilang bayan.

Ang lalaki na nakilalang si Mang Henry ay isang empleyado ng isang plumbing company kasama ang isang anak nito.

Labis ang pag-aalala nito para sa pamilya na nagugutom na naiwan sa Zambales.

Masama ang loob nito sa kompanya dahil basta na lamang silang inabandona matapos umanong pakinabangan.

Hindi rin sila makauwi dahil walang masakyan dahil sa umiiral na enhanced community quarantine. Bukod dito ay wala rin silang natitirang pera.

Kaya naman wala nang pagpipilian ang mag-ama kung 'di ang maglakad pauwi sa Zambales.

Sa kabutihang-palad ay nakita ito ng mga pulis sa daan at binigyan ng pagkain at kaunting tulong.

Sa tulong ng pulis na si Sir Nely Cobol ay nai-ere sa social media ang kanilang kaawa-awang kalagayan.

Nakiusap din ang mga ito ng tulong para sa naiwang pamilya.

Samantala, napag-alaman ng KAMI na ligtas nang nakauwi ang mag-ama sa Zambales sa pagtutulungan ng ating mga kababayan.

Nabigyan din ang mga ito ng tulong at maging ang pamilya nito ay nakatanggap din ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post -HumanMeter

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel