COVID-19: Pinoy bartender sa 1 cruise ship, binawian na ng buhay

COVID-19: Pinoy bartender sa 1 cruise ship, binawian na ng buhay

- Pumanaw ang isang Pinoy na nagta-trabaho sa isang cruise ship dahil sa coronavirus

- Ayon sa lumabas na report, binawian ito ng buhay sa isang ospital sa Fort Lauderdale

- Inalala naman ng mga kaanak at kaibigan ang pumanaw na Pinoy sa pamamagitan ng social media

- Ito na umano ang ikalawang crew ng Royal Caribbean ang nasawi dahil sa coronavirus disease

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Pilipino na nagta-trabaho sa Royal Caribbean Cruises ang nasawi dahil sa coronavirus disease.

Si Dexter Joyosa ay binawian ng buhay sa isang ospital sa Fort Lauderdale noong April 18, base sa report ng Cruise Law News (Author, Jim Walker).

Batay sa ulat, ang kapitan ng Oasis of the Seas kung saan nakatalaga si Joyosa bilang isang bartender, ang mismong nagbigay ng impormasyon ukol sa pagkamatay nito.

Napag-alaman din ng KAMI na Nobyembre taong 2012 pa nang magsimulang mag-trabaho sa Royal Caribbean Cruises ang nasawing Pinoy.

Inalala naman ng mga kaibigan at kakilala si Joyosa sa pamamagitan ng social media.

"Mamimiss ka namin Dexter Joyosa. Salamat sa Diyos nagkaroon kami ng pagkakataon makasama at maging kaibigan ka. Maraming salamat kaibigan," ani Gerome Firmalo.

"Paalam kuya Dexter Joyosa mamimiss ka nmen... we love you," ayon kay Poy Cepeda.

"This is literally the saddest thing that the pandemic virus can cause us... Dyin' alone and away from our love ones.. So pls stay at home.... Let us protect each other by simply staying at home.. Don't let this thing defeat us and take away someone we love," sabi naman ni Janice Corpuz Quiñones.

Ito na umano ang ikalawang crew ng Royal Caribbean ang nasawi dahil sa COVID-19.

Sa isang ulat ng GMA News, sinabing umabot na sa 140 ang pumanaw na Pinoy sa abroad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post -HumanMeter

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel