Lalaki, umakyat sa poste ng kuryente dahil kinakantyawang may COVID-19

Lalaki, umakyat sa poste ng kuryente dahil kinakantyawang may COVID-19

- Dahil umano sa pangangatyaw ng mga kasamahan sa trabaho na siya ay mayroong coronavirus, isang lalaki ang umakyat sa poste ng kuryente sa Mandaluyong

- Bukod dito, napag-alamang nilangoy din nito ang Ilog Pasig papunta sa Mandaluyong

- Ayon sa uploader, umabot sa apat na oras ang negosasyon para ligtas na maibaba ang lalaki na isang construction worker

- Isa lamang ito sa mga kwento ng diskriminasyon sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Nakakapanghina ang mga larawang ibinahagi ng isang netizen kung saan makikita ang isang lalaki habang nasa tuktok ng isang poste ng kuryente.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Jun Inabangan, umakyat ang lalaki roon dahil sa pangangantyaw diumano ng mga kasamahan sa trabaho.

Bukod pa rito, napag-alamang nilangoy nito ang Ilog Pasig papunta sa Mandaluyong.

Ayon sa uploader, umabot sa apat na oras ang negosasyon para ligtas na maibaba ang lalaki na napag-alamang isang construction worker.

Kabilang sa agad na rumesponde si Mayor Menchie Abalos, PNP, BFP, Meralco, at ang rescue team ng siyudad upang mailigtas ang lalaki.

Hindi naman kumpirmado kung mayroon ngang coronavirus ang 'di pinangalanang lalaki.

Samantala, isa lamang ito sa mga istorya ng diskriminasyon sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa.

Sa isa pang ulat ng , isang driver ng ambulansiya ang binaril ng isang lalaki matapos mapaghinalaang naghahatid ng mga pasyenteng may virus.

Mariing kunundena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga diskriminasyon sa mga frontliners.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post -HumanMeter

Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel