Cavite Governor Jonvic Remulla, ‘napuno’ na sa mga pasaway sa community quarantine

Cavite Governor Jonvic Remulla, ‘napuno’ na sa mga pasaway sa community quarantine

- Sa isang social media post, naglabas ng saloobin si Cavite Governor Jonvic Remulla

- Aniya, “napupuno” na siya sa mga taong patuloy ang pagiging pasaway kahit na may enhanced community quarantine

- Kaya naman, naisipan niyang mas maging mahigpit ngayon at mag-deploy ng mga taga-Armed Forces of the Philippines at Philippine Army sa Cavite

- Gusto lang daw niya tumino ang mga pasaway upang maisalba ang buhay ng mga sumusunod sa enhanced community quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas ng saloobin si Cavite Governor Jonvic Remulla ukol sa mga patuloy umano na sumusuway sa ipinatupad na enhanced community quarantine dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na naisip ni Remulla na mas maghigpit ngayon sa pagpapatupad nito.

“NAPUPUNO NA AKO. Hinde po ako pwede magkunwari, na nararamdaman ko ang dinadaanan ninyo. Ako ay pinanganak sa ibang kalagayan,” aniya.

“Nakakakulo ng dugo na 90% ay na sunod sa patakaran ngunit may 10% na matigas ang ulo at baka sanhi ng lalong pagkalat ng covid-19. NAKAKAPIKON!” dagdag pa nito.

Ayon sa kanyang Facebook post, nanawagan si Remulla na maglagay na ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Military sa Cavite upang mabawasan ang mga pasaway dito.

“Kung kulang ang patakaran at pakiusap ay subukan ko naman kaya ang HIGPITAN ko ang pagtupad nito,” sabi ni Remulla.

“Nakiusap na po ako sa ating Provincial Director na tawagin na ang ating mga kaibigan sa AFP na maghanda mag deploy Ang AFP dito sa Cavite. Ako po ay makikipagugnayan kay Sec. Año na gamitin na ang Philippine Army at Reservist para pairalin ang ECQ sa Cavite,” dagdag pa nito.

Paliwanag ni governor, hindi niya intensyon ang manakit. Gusto lang umano niya turuan ng leksyon ang mga pasaway upang maisalba ang mga taong sumusunod sa enhanced community quarantine.

“Wala po sa loob ko ang manakit. Gusto ko lang patuparin ang batas para yung 10% ay tumino at ang 90% ay maisalba. Magkaisa po sana tayong lahat!” sabi niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna namang naiulat ng KAMI na si Remulla ay nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na isama pati ang mga nasa middle-class na pamilya sa social amelioration programs.

Ayon sa tracker ng Department of Health (DOH) nitong Abril 19, mayroong 214 na kaso ng COVID-19 sa Cavite. 12 pa lamang sa mga ito ang naka-rekober.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kuya Andrew, a Grab Food rider, received a lot of blessings after he was given food by Cha Calubaquib who shared the story in her viral post! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel