Head nurse sa PGH na umaasikaso ng COVID-19 patients, pumanaw na

Head nurse sa PGH na umaasikaso ng COVID-19 patients, pumanaw na

- Pumanaw ang isang head nurse sa Philippine General Hospital (PGH) na naka-assign sa COVID-19 ward

- Kinumpirma ng pamangkin ng head nurse ang tungkol sa kanyang pagpanaw

- Gayunpaman, humihingi sila ng privacy para makapagluksa sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay

- Hindi pa umano kumpirmado kung positibo siya sa COVID-19 dahil hinihintay pa ang kanyang swab result

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang frontliner ang pumanaw. Gayunpaman, hindi pa kumpirmado kung COVID-19 ang naging dahilan ng kanyang kamatayan dahil hindi pa umano lumalabas ang resulta ng swab result nito.

Kinumpirma ng pamangkin ng head nurse ng PGH na naka-assign sa COVID-19 ward ang pagpanaw ni Faye Marie Luna Palafox nitong Biyernes, April 17.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Ericka Palafox ang mensahe nila hinggil sa pagpanaw ng kanyang tiyahin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“The whole family is in deep deep sorrow right now. We would like to take this time to grieve and celebrate her life here on earth,” aniya.

“While it is true that Mama Faye served at the COVID-19 ward of PGH, we have yet to receive the swab results, as of this writing. For whatever the result will be, we ask for everyone’s understanding and respect in our family’s privacy.”

Ayon sa Department of Health, 766 health care workers na ang nag positibo sa COVID-19. 339 dito ay doktor at 242 ang mga nurse. Umabot na sa 22 ang pumanaw na health care worker sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 6,259 ang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. 409 dito ang nasawi at 572 ang gumaling.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel