Residenteng nasunugan sa Tondo, Maynila, siksikan sa evacuation center

Residenteng nasunugan sa Tondo, Maynila, siksikan sa evacuation center

- Siksikan sa evacuation center ang 450 pamilyang nasunugan sa Tondo, Manila

- Humihingi sila ng pagkain, damit pati face mask para kahit papaano ay magkaroon sila ng proteksiyon laban sa COVID-19

- Marami ang nabahala sa kanilang kalagayan na siksikan dahil maari silang magkahawa-hawa

- Pinaghihinalaang nagmula ang apoy sa nag-overheat na electric fan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nabahala sa siksikang sitwasyon ng 450 hanggang 500 pamilyang naapektuhan ng sunog na naganap kamakailan sa Happyland sa Tondo, Manila.

Hiling ng mga residente, mabigyan sila ng pagkain, damit pati face mask. Ito ay sa gitna ng pangambang maaring magkahawa-hawa ang mga apektadong residente dahil sa kanilang kalagayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa DZMM Teleradyo, personal na binisita ni Bishop Broderick Pabillo ang mga nasunugan sa Tondo, Maynila at namigay ng tulong at pagkain sa ilang evacuees.

Isinaayos na ng Manila Department of Social Welfare ang mga evacuation area na pansamantalang tutuluyan ng daan-daang pamilyang nasunugan, ayon sa Manila PIO.

Hindi pa tukoy ang pinagmulan ng sunog pero pinaghihinalaang nagmula ito sa nag-overheat na electric fan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel