Isang pamilyang Pinoy sa US, tinamaan ng COVID-19 matapos na dumalo sa party

Isang pamilyang Pinoy sa US, tinamaan ng COVID-19 matapos na dumalo sa party

- Isinalaysay ng isang Filipina na nasa Arizona, USA kung gaano kabilis makahawa ang isang taong may COVID-19

- Lahat umano sila sa kanyang pamilya ay nagkaroon virus matapos na siya ay dumalo sa isang party

- Ilan din sa mga bisita ay nagkaroon ng sintomas at kalaunan ay nagkaroon din ng naturang karamdaman

- Mainam na lamang na isa siyang nurse kaya naman kahit nasa tahanan lamang ay alam niya ang gagawin lalo na kung wala pa naman talagang lunas ang naturang virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang Filipina nurse sa Arizona, USA kung paano tinamaan ng COVID-19 ang kanyang pamilya na pinaniniwalaan niyang mula sa isang party na kanyang dinaluhan.

Sa panayam ni Elizabeth Tulfo sa nurse na nakilalang si Fleur Magbanua, buong tapang niyang ikinuwento ang napagdaanan nilang pamilya sa pakikipaglaban sa kinatatakutang virus.

Pinaniniwalaang nakuha nila ito sa isang party na kanyang dinaluhan kung saan isa sa mga bisita na may travel history sa lugar na laganap ang COVID-19 ay umuubo na.

Nilinaw naman daw ng naturang bisita na nagpakonsulta na umano siya sa doktor at hindi naman daw ito COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit, nang makaramdam ng ilang sintomas si Fleur, napag-alaman niyang ang karamihan din ng bisita ay nakararanas na rin ng dry cough, lagnat, pananakit ng katawan na pawang mga sintomas ng COVID-19.

Malaking bagay na isa siyang nurse dahil kung "mild o moderate" lamang daw ang kalagayan ng pasyente na mayroong COVID-19 ay di agad ito ia-admit ng ospital.

Ang naging mahirap lamang daw sa kanilang kalagayan ay ang makita na habang siya ay nahihirapan sa karamdamang dala ng COVID-19 ay nakikita niya ang kanyang pamilya na naghihirap din.

Lalo pa at walang ibang tutulong sa kanila kundi ang kanilang sarili dahil ganoon ang isa pang dagok sa pakikipaglaban sa COVID-19. Walang ibang maaring tumulong sa kanila, kundi ang kanilang mga sarili.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya.

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel