Mag-anak, huling nagsusugal matapos tumanggap ng ayuda mula sa gobyerno

Mag-anak, huling nagsusugal matapos tumanggap ng ayuda mula sa gobyerno

- Huli sa akto ang isang mag-anak na nagsusugal sa kanilang bahay sa Sitio 2, Barangay 37, Calayab, Laoag City

- Aminado ang mga nahuling suspek na sila ay nakakuha ng P5,500 mula sa social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development

- Mahaharap ang 3 sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gàmbling Law

- Nakuha sa tatlong suspek ang perang taya at baraha na magsisilbing ibidensiya laban sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tiklo ang tatlong miyembro ng pamilya nitong Sabado matapos silang maaktuhang nagsususgal sa kanilang bahay sa Sitio 2, Barangay 37, Calayab, Laoag City.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, nakuha mula sa 2 babae at 1 lalake ang P372 perang taya sa sugal at baraha.

Aminado ang mga suspek na sila ay nakatanggap ng ayuda mula sa social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development na nagkakahalaga ng 5,500.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mahaharap ang 3 sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gàmbling Law.

Matatandaang tatlong babaeng miyembro ng 4Ps din ang naaresto kamakailan matapos silang mahuling nagsusugal.

Isinailalim sa community quarantine ang Metro Manila at iba pang lugar dahil sa paglaganap ng COVID-19. Kasunod nito ay hiniling ng pangulo ang emergency power. Kinalaunan, kanyang ina-nunsiyo ng pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga mamamayang apektado ng quarantine.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemyang dulot ng COVID-19 sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti-unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel