Hinagpis ng isang ina na namatayan ng anak na tinaggihan di umano ng 16 na ospital, viral
- Viral ang post ng isang ina kaugnay umano sa biglaan pagkamatay ng kanyang anak na tinanggihan ng nasa 16 na mga ospital
- Umabot ng dalawang araw ang paghahanap nila ng ospital na tatanggap sa kanyang anak na makapagsasalba sa buhay ng kaisa-isa niyang anak at PWD pa umano ito
- Laking pasalamat pa ri niya sa De La Salle Hospital sa Cavite sapagkat nakita umano ng ina ng bata na sinubukan ng mga health workers doon na isalba pa ang noo'y naghihingalo niyang anak
- Lumabas sa isang panayam sa Presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines ang posibleng dahilan di umano ng pagtanggi ng ilang ospital sa ibang pasyente
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pumukaw ng atensyon sa social media ang post ng inang si Hazel Bolante Bermido patungkol sa kanyang hinagpis sa pagyao ng nag-iisa niyang anak.
Idinetalye ni Hazel ang mga nangyari sa loob ng dalawang araw na tila lumalaban na ang kanyang anak para sa kanyang buhay.
Person with disability daw ang kanyang anak at biglang baba raw ng hemoglobin nito dahilan upang dapat na masalinan agad ng dugo.
Sa kasamaang palad, walang tumatanggap na ospital sa kanila na maaring magsagawa ng prosesong ito.
Muntik pa silang harangin ng huling ospital na pinagdalhan nila sa bata ngunit nang makita ang lagay nitong tila nag-aagaw buhay na, tinawag naman ng mga humarang na frontliners ang Pediatrician upang matingnan ang lagay ng bata.
Laking pasalamat ni Hazel sa mga health workers ng De La Salle Hospital sa Cavite ngunit huli na ang lahat sapagkat binawian na rin ng buhay ang kanyang unica hija.
Hindi maiwasang sumama ang loob ng ina sa sinapit ng anak at nagawa nitong pangalanan ang mga ospital na di umano'y tumanggi sa anak.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, sa isang press briefing na ginawa ng Department of Health, naglabas sila ng panukala kaugnay sa sitawasyong kinaharaap ng anak ni Hazel.
Ito ang Department Cicular number 2020-0167 na napapaloob ang polisiya na nararapat na ipagpatuloy pa rin ang pagbibigay ng essential services ng mga ospital bukod sa pagtutok sa mga pasyenteng may COVID-19.
Sa isa ring panayam ng ABS-CBN news sa presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines na si Dr. Rustico Jimenez sinabi nitong mas lalo nilang pinaigting ang pagtanggap ng mga pasyente sa ospital lalo na at kinakailangan ng mga ito na dumaan sa proseso ng pag-alam kung ito ba ay may COVID-19.
Kinukulang na rin umano ang mga private hospitals ng mga health workers at mga personal protective equipment.
"Hindi kami mag-rerefuse ng pasyente kung meron din kaming facilities o beds na available pa. Because kung wala kang tao, you will be giving more risk to the patient. Kung maghihintay siya sa emergency room, baka makahawa pa," pahayag ni Dr. Jimenez.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya.
Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh