Hinagpis ng mister sa mga ospital na tumanggi sa misis na pumanaw na, sinagot ng PHAP

Hinagpis ng mister sa mga ospital na tumanggi sa misis na pumanaw na, sinagot ng PHAP

- Naglabas ng saloobin ang isang biyudo matapos na mamatayan ng asawa dahil di umano sa pagtanggi ng walong ospital sa kanyang misis

- Dumating daw kasi sa puntong ipinapasok na sa ospital ang kanyang misis ngunit nahaharang pa umano ng guwardiya ng ospital

- Naranasan din umano nilang masingil muna ng down payment na ₱30,000 bago tanggapin ang pasyente

- Sumagot naman ang presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines kaugnay sa isyung ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maiwasang maglabas ng saloobin ang ngayo'y biyudo na na si Jesus Barros, matapos na mamatayan ng asawa na noo'y nasa loob lamang ng ambulansya.

Nalaman ng KAMI na umabot sa walong ospital ang tumanggi umanong gamutin ang misis ni Jesus na si Josefina nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan.

Base sa ulat ng ABS-CBN, agad na nadala si Josefina sa isang pribadong ospital sa Quezon City ngunit agad din itong napauwi sa rason na hindi raw kaya ng ospital na gamutin ang iniindang sakit nito.

Sunod nila itong dinala sa isang malaking pagamutan sa Lungsod ng Maynila kung saan muli na naman silang natanggihan at kinakailangan pa nila na humingi ng permiso mula sa direktor ng naturang ospital.

Nakipagtulungan na ang mga kaanak ng pasyente na maghanap ng mga ospital sa Quezon City at Caloocan ngunit sa ksamaang palad ay wala pa ring tumanggap kay Josefina.

Ang isang ospital pa raw di umano ay humingi pa ng ₱30,000 bago ma-admit ang pasyente.

Hindi nagtagal at nalagutan na rin ng hininga si Josefina sa loob na ng ambulansya.

Masakit ito para kay Jesus dahil agad naman sana nilang nadala ang asawa sa ospital at maari pa raw sanang maagapan ang kalagayan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa Department of Health, mayroon Department Cicular number 2020-0167 na nagsasaad ng polisiya na patuloy pa rin dapat ang pagbibigay ng essential services ng mga ospital at hindi nakatutok lamang sa mga pasyenteng mau COVID-19.

Giit naman ng presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines na si Dr. Rustico Jimenez, mas lalo raw kasi nilang pinaigting ang patakaran ng pag-admit ng mga pasyente sa mga pribadong ospital. Dadaan muna kasi ito sa proseso upang masiguro kung maaring may COVID-19 ang pasyente.

Dagdag pa ni Dr. Jimenez, na kinukulang na rin umano sila ng health workers at Personal Protective Equipment.

Umaasa naman ang pamilya Barros na magiging maayos ang sistema ng Kalusugan sa bansa at magsilbing aral ang nangyaring ito sa lahat.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya.

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel