Pamilya ng isang lalaking natagpuang walang buhay sa Iloilo, hustisya ang sigaw

Pamilya ng isang lalaking natagpuang walang buhay sa Iloilo, hustisya ang sigaw

- Isang lalaki sa Iloilo City ang natagpuang walang buhay sa isang tulay

- Ayon sa kaanak niya, dinamdam umano ng lalaki ang ginawang pagtanggi ng isang pagamutan doon

- Napagpasyahan magpaadmit dahil nakaranas siya ng lagnat, pagsusuka at panghihina

- Tinanggihan siya ng ospital dahil umano hindi naman kritikal ang kalagayan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hustisya ang sigaw ng pamilya ng isang 36-anyos na lalaki sa Iloilo na natagpuang walang buhay sa tulay sa Pulo Maestra Vita Oton, Iloilo nitong Abril 16.

Sa isang panayam sa Bombo Radyo Iloilo sa kapatid ng biktima, dinamdam umano ni Bergil Lencioco ang pagtanggi sa kanya ng isang pagamutan sa nasabing lungsod dahil hindi naman daw kritikal ang kanyang kalagayan.

Nais sanang magpaadmit ng biktima sa ospital matapos niyang makaranas ng lagnat, pagsusuka at panghihina.

Ayon pa sa kapatid ng biktima, ikinasama umano ng loob ni Lencioco ang nangyari at nagsabi pang hihintayin na lamang niyang mamatay siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napag-alaman ng KAMI na nagbahagi pa ng mensahe ang biktima bago natagpuang walang buhay.

Isa sa suliraning kinakaharap ng bansa ngayon ay ang pagtugon sa medical na pangangailangan ng mga mamayan lalo na at dumarami ang kaso ng tinamaan ng COVID-19.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti,unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel