Litrato ng kalagayan ng ilang pulis frontliners na natutulog, umantig sa mga netizens

Litrato ng kalagayan ng ilang pulis frontliners na natutulog, umantig sa mga netizens

- Marami ang naantig sa kalagayan ng ilang kapulisan na nagpapahinga

- Bukod sa hindi komportableng kalagayan, wala din silang mga kumot at unan

- Marami sa mga kapulisan at sundalo ang nagtitiis na hindi makauwi sa kanilang mga pamilya

- Ito ay dahil sa kanilang tungkulin sa bayan at upang maiwasan na ring mahawaan ang kanilang pamilya sakali mang kapitan sila ng coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang litrato na nagpapakita ng kalagayan ng ilang pulis na fronliners. Makikita sa ibinahaging mga litrato na hindi komportable ang kalagayan.

Sa kabila ng kawalan ng unan at kumot, makikita sa mga litratong ngayon ay viral sa Facebook na pinipilit nilang makatulog upang makabawi ng lakas para magampanan ang kanilang tungkulin.

Umabot na sa mahigit 7,000 shares ang litratong ibinahagi ng RMN Iloilo Facebook Page.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumuhos naman ang pagpupugay ng netizens sa mga frontliners na ito na nagtitiis at nagsasakripisyo para sa kapakanan ng lahat.

Salute to all PNP and AFP personnel for the great sacrifices you're doing to our country. Indeed such is laudable and heroic act. God bless you all.
God bless you men in uniform God sees all your hardwork.Thank you for your services truly we pray for all your protection and may the Lord grant you all a healthy body,and a strong immune system to combat the virus.We salute you.
Hope this pandemic will end very soon so they can go back to their every home and family. Keep safe and be healthy our dear frontliners

Sa pagpapatupad ng community quarantine sa iba't-ibang bahagi ng bansa, mahalaga ang serbisyo ng mga sundalo at pulis.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti,unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel