Isang buwang supply ng pagkain, ninakaw sa isang bahay sa Butuan

Isang buwang supply ng pagkain, ninakaw sa isang bahay sa Butuan

- Isang bahay sa Butuan City ang nilooban at ninakawan ng mga pagkain na katumbas sa isang buwan na supply

- Ayon sa ulat ng otoridad, 8 kalalakihan umano ang pumasok sa isang bahay sa Barangay Libertad sa nasabing lungsod nitong sabado

- Nagising pa umano ang kasambahay ngunit nagkunwari itong tulog upang makaiwas na masaktan

- Hinimok ng Butuan police ang publiko na ugaliing magsara at mag-lock ng kanilang bahay bago matulog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang bahay sa Barangay sa Libertad, Butuan City ang nilooban ng 8 katao ayon sa ulat ng Butuan police. Isang buwang supply ng pagkain ang tinangay ng mga suspek nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, pinaniniwalaang dumaan sa tangke ng tubig ang mga suspek at pumasok sa hindi nai-lock na pinto sa second floor ng isang bahay sa Acosta Village.

Pumasok ang mga nakasuot ng face mask na mga suspek sa silid ng kasambahay. Nagising ang kasambahay pero nagkunwari itong tulog upang makaiwas sa panganib.

Naabisuhan din ang may-ari ng bahay na si Jil Madel de Bord na huwag lumabas ng kanyang silid upang maiwasang masaktan ng mga suspek.

Kabilang sa mga nakuha ay 20 kilong bigas, mga delata, kape, sabon karne, isda at iba pang processed food.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinaalalahanan naman ng Butuan police ang publiko na siguraduhing nakasarado ang lahat ng pinto ng bahay bago matulog upang maiwasang mabiktima ng mga kawatan.

Kasalukuyang nasa ilalim ng community quarantine ang maraming lugar sa bansa kabilang na ang Butuan City. Ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti-unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Cha Calubaquib's post about a Grabfood rider went viral recently. More netizens shared their blessings to Kuya Andrew because of the viral post. Watch this heartwarming story here. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel