Nakakaluhang video ng lola na taimtim na nagdasal bago kumain, viral

Nakakaluhang video ng lola na taimtim na nagdasal bago kumain, viral

- Viral ang maiksing video ng isang lola na taimtim na nagdasal bago kumain

- Matapos niyang magdasal, nakuha pa umano nitong tumingin sa itaas at tila iniaalok pa ang biyayang kanyang natanggap

- Labis na naantig ang puso ng kumuha ng video lalo pa at makikitang nasa lansangan pa rin ang matanda sa kabila ng ipinatupad na enhanced community quarantine

- Maraming netizens ang hindi mapigilang maluha nang makita ang video at sana raw ay tularan ng karamihan ang lola na mas lalong tumitibay ang pananampalataya sa panahon ng pagsubok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng mga netizens ang video ng isang lola na taimtim na nagdarasal bago kumain.

Binahagi ito ng netizen na si Ray Pacs at maging siya ay natunaw ang puso sa ginawa ng matanda.

Makikitang nananalangin ang lola na nakatanggap pala ng pagkain.

Pagkatapos na magdasal, napatingin pa ito sa kalangitan at ngumiti.

Itinaas pa niya ang kanyang pagkain na animo'y nang-aalok.

Dahil dito, hindi raw napigilang maluha ng ilang netizens dahil sa ginawa ng lola.

Isa raw itong magandang ehemplo sa lahat na sa panahon ng pagsubok, tulad ngayon na hinaharap natin ang krisis na dala ng COVID-19, mas lalo pa sana nating mapatatag ang ating pananampalataya at matuto pa rin tayong magpasalamat sa mga munting biyayang ating nakakamit sa araw-araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Her smile is priceless, her smile is priceless!God bless you lola"
"May mga tao pa tlgang kayang makuntento kung anung pgkaen ang nasa hapag MABUHAY KA nay"
"Sobra akong natouch of how grateful she is kahit na naghihirap siya. Napakasaya na ni Lola sa konting pagkain niya. Ito ang totoong sana all. Sana all katulad ni Lola. Thank You, Lord, for all the blessings, maliit man yan o malaki. God bless you Lola."
"Yung ngiti ni nanay, nagbibigay pag asa sa bawat nakakakita.. na sa bawat hamon ng buhay laging may pag asa.. God bless Nay! God bless us all!"
"God bless po Lola. Ang bait nya kc bago Kumain.Pray muna.small/ big blessing we should thank God for everything"
"Ito ang masarap tulungan. God bless you lola, kung alam ko lang kung nasan ka, dadalhan pa kita ng marami niyan!"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya.

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel