AFP spokesperson, kinumpirma ang tungkol sa kumakalat na “martial law-type” na dokumento

AFP spokesperson, kinumpirma ang tungkol sa kumakalat na “martial law-type” na dokumento

- Nilinaw ni Military spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo na mayroon ngang lumabas na dokumento sa internet

- Ayon sa spokesperson, ito ay internal memo lamang upang maipaalam sa AFP ang impormasyon sakaling ipag-utos ito ng pangulo

- Matatandaang nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaring sumailalim sa martial law-type na pagdidisiplina kung patuloy na lalabagin ang mga protocols

- Nilinaw din ni Brigadier General Arevalo na walang dapat ikabahala tungkol sa lumabas na dokumento at inudyukan ang publiko na sumunod na lamang sa batas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma ni Military spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo na totoo ang lumabas na dokumento tungkol sa posibleng pagdeploy sa mga kapulisan at sundalo upang mabigyan ng leksyon ang patuloy na lumalabag sa quarantine protocols.

Aniya, kagaya sa nauna nang nasabi ng Pangulong Rodrigo Duterte, maaring magkaroon ng "martial law-type" na pamamahala sa pagpapatupad ng batas. Ito ay sa gitna ng kaliwa't kanan na balita tungkol sa patuloy na lumalabag sa mga protocols sa gitna ng enhanced quarantine na ipinapatupad.

Dagdag pa ni Arevalo, ang dokumento ay paghahanda lamang sakaling ipag-utos ng pangulo ang deployment order.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wala umanong dapat ikabahala ang publiko tungkol dito at kung mayroon mang dapat ikabahala ito ay ang walang pakundangang paglabag pa rin ng ilan sa kabila ng mga paalala tungkol sa batas kaugnay sa pinapatupad na quarantine.

Kasalukuyang sumasailalim sa enhanced community quarantine ang Luzon upang mapigilan ang paglala ng pamiminsala ng COVID-19.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti,unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel