Doktor na pumanaw at ibinurol sa Bulacan, nagpositibo sa coronavirus

Doktor na pumanaw at ibinurol sa Bulacan, nagpositibo sa coronavirus

- Ibinurol pa umano ng isang gabi ang isang doktor na nasawi sa Norzagaray, Bulacan na kalaunan ay nagpositibo sa coronavirus disease

- Pero ayon sa isang statement na inilabas ng isa sa mga anak nito, sumailalim sa COVID-19 IgG/IgM Rapid Test ang namayapang ama na negatibo ang naging resulta

- Wala rin umanong ipinakitang sintomas ng deadly virus ang kanilang ama kahit na noong bago ito nasawi

- Ganunpaman, nakiusap ang pamilya nito na magpa-check ang mga taong nakasalamuha nito mula noong Marso 29 hanggang Abril 10

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Ikinagulat daw ng pamilya ng doktor na si Dr. Marianito Galicia nang malamang pumanaw ang kanilang padre de pamilya dahil sa coronavirus disease.

Sa ulat ng Saksi Ngayon, napag-alamang ibinurol at pinaglamayan pa ng isang gabi ang nasawing doktor bago inilibing.

Sa pamamagitan naman ng isang pahayag na ibinahagi sa Facebook page ni Mayor Alfredo G. Germar, nilinaw ng pamilya ng doktor ang buong pangyayari.

Ayon sa anak nito na si Dr. Bobby Galicia, April 10 nang tawagan siya ng ina dahil sa hindi maayos na pakiramdam ng ama na namumutla at tila nahihirapang huminga.

Agad naman daw na pinuntahan ito ni Dr. Bobby at nakita ang ama na wala nang malay.

Isinugod nila ito sa Bulacan Medical Mission Group (BMMG), ospital sa Bocaue, ngunit idineklara nang dead on arrival.

Kahit wala umanong sintomas ng virus ay ipinatest pa rin daw nito ang ama sa pamamagitan ng COVID-19 IgG/IgM Rapid Test, kung saan negatibo ang lumabas na resulta.

Ito raw ang ginagamit ng ilang indibidwal at opisyal ng gobyerno upang matugunan ang matagal na PCR Test na ginagamit ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Sa kabila nito ay ipinatest pa rin nila ang ama gamit ang PCR test kahit hindi umano kailangan noong mga panahong iyon.

Sinabi rin sa statement na mayroong sakit sa puso, chronic kidney disease, diabetes mellitus at sumailalim sa isang heart bypass surgery ang pumanaw na doktor ilang taon na ang nakakaraan.

Bukod dito ay masigla pa raw ang ama ayon sa mga taong nakasalamuha nito ilang oras bago ito pumanaw.

Kaya naman ikinagulat nila nang magpositibo ang ama sa COVID-19 base sa test na kinumpirma ng RITM noong April 16.

Ganunpaman, nakiusap ang pamilya nito na magpa-check ang mga taong nakasalamuha nito mula noong Marso 29 hanggang Abril 10.

As of April 17, dalawa na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Norzagaray at isa rito ang nasawi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post -HumanMeter

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel