Netizens, kinainggitan ang isang barangay na namimigay ng galanteng food packs

Netizens, kinainggitan ang isang barangay na namimigay ng galanteng food packs

- Nanatiling “COVID-free” ang Barangay Doña Josefa sa Quezon City

- Ibinahagi ito ng kanilang punong barangay na si Chairman Louie G. Munoz sa kanyang Facebook account

- Bilang pasasalamat sa mababait at disiplinadong residente ng barangay, mamimigay ang kanilang pamunuan ng galanteng relief goods

- May laman itong dalawang kilong bigas, apat na luncheon meat at apat ding cans ng sausages

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bagaman nasa libo na ang nagpositibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Quezon, nanatiling “COVID-free” ang Barangay Doña Josefa na labis ipinagpapasalamat ng kanilang punong barangay.

Sa Facebook post ni Brgy. Chairman Louie G. Munoz, ipinakita niya ang galanteng relief goods na kanilang ipamimigay sa mga residente bilang tanda ng kanyang pasasalamat.

“As of today COVIDFREE pa rin ang Barangay DOÑA JOSEFA, Quezon City. Bilang pasasalamat sa mababait at disiplinadong residente ng BGY. DOÑA JOSEFA, ito ang aming inihanda na relief goods para sa inyo,” sabi ng kapitan.

“Ito ay relief goods na mula sa PONDO NG BARANGAY. Ang laman ay 2 kilos of rice, 4 pcs. SPAM luncheon meat and 4 pcs. of LIBBY'S VIENNA SAUSAGE,” dagdag niya.

Ibinahagi rin niya ang ilang alituntunin sa pamimigay nila ng mga nasabing food packs.

“Priority natin ang mga PWDs na may PWD ID bearing address within Bgy. DOÑA JOSEFA, if a family has two or more PWDs, the family shall only receive one bag of relief goods, in this manner the relief goods shall reach more families. If the PWD is no longer residing at DOÑA JOSEFA, he/she is no longer qualified.”

“Noong April 17 and 18, yung mga nakatanggap na ng relief goods galing kay Mayor JOY BELMONTE at Konsehal HERO BAUTISTA ay HINDI NA PO MABIBIGYAN ng barangay relief goods, ang bibigyan natin ay yung mga HINDI nakatanggap ng relief ni MAYOR BELMONTE at KONSEHAL BAUTISTA. Sana maunawaan ninyo ako, sa ganitong paraan para mas marami po ang mabigyan.”

“Ikalawang priority naman natin ang mga mahihirap at mga daily wage earners na nawalan ng trabaho dahil sa COVID19. kung sumobra ito, mabibigyan rin ang mga middle class.”

Sa huli, pinasalamatan ni Kap. Louie ang mga taong sumuporta sa kanyang upang maisakatuparan ang naturang proyektong. Kabilang dito ang kanyang mga kagawad at SK chairman.

Samantala, ilang netizen naman ang humanga sa laman ng food packs na ipamamahagi sa Barangay Doña Josefa, Quezon City:

“Wow bigtime! Hehehe lipat na ko jan.”

“Sana all!”

“Nakakainggit naman jan sa dona josefa sarap ng spam.”

“That’s a big help for our barangay.. continue the excellent job to make our community covid19 free to until now.. hand in hand we can do it with help of our frontliners.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, mga ‘Darna’, nagbigay ng relief goods at kasiyahan sa Bulacan.

Ayon sa Department of Health, sa ngayon ay nasa 1,042 na ang nagpositibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Our host Paula Coling gave some amazing tips on how to wisely spend your time amid the enhanced community quarantine in Luzon! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel