Coronavirus-free na sila! General Santos City, balik zero COVID-19 cases na ulit

Coronavirus-free na sila! General Santos City, balik zero COVID-19 cases na ulit

- Naka-recover ang nag-iisang COVID-19 patient ng General Santos City

- Siya ay si PH 3669 na nag-negatibo na sa coronavirus

- Sinagot ng PhilHealth ng naturang lungsod ang bill ng pasyente na umabot sa ₱700,000

- Bagaman at zero case na naman ang General Santos City, nagpaalala ang kanilang lokal na pamahalaan na naka-total lockdown pa rin sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naka-recover na si PH3669, ang nag-iisang naitalang kaso ng COVID-19 sa General Santos City.

Binahagi ng pinaglagakan niyang ospital na General Santos Doctors Hospital, Inc. ang larawan ng paglabas ng 59-anyos na pasyente na hinandugan din nila ng munting sendoff.

Umabot sa ₱700,000 ang bill ng ospital sa pagpapagaling ni PH3669 ngunit laking pasasalamat niya nang sagutin na lahat ito ng PhilHealth ng GenSan office.

Dahil dito, inanunsyo ng kanilang alkalde na si Mayor Ronnel Rivera na zero cases na mula ang lungsod.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit, mariing pinaaalalahanan pa rin niya ang kanyang mga kababayan na hindi nangangahulugang maari nang lumabas ng mga mamamayan ng GenSan.

Naka-total lockdown pa rin ang lungsod upang mapanatili pa rin nila na zero cases pa rin ang kanilang lugar lalo na at 98 pa rin ang kanilang patients under investigation.

Samantala, nagbibigay naman ng pag-asa ang patuloy na pagtaas ng bilang ng recoveries na naitatala ng Department of Health ilang araw na ang nakararaan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel