OFW sa Japan, halos tatlong dekada nang hinahanap ng kanyang kapatid

OFW sa Japan, halos tatlong dekada nang hinahanap ng kanyang kapatid

- 29 taon nang hinahanap ng isang Pinay ang kanyang kapatid na OFW sa Japan

- Labis siyang nag-aaalala dahil 1991 pa nang huli niya itong makausap

- Nais niyang mahanap ito at malaman ang kalagayan nito o kung ito ay buhay pa

- Umaasa siyang sa tulong ng pagbabahagi niya ng larawan ng kanyang kapatid ay mayroong makakapagturo sa kanya ng kinaroroonan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panahon ngayong napakadali na ng komunikasyon sa mga taong nasa magkakaibang panig ng mundo, mayroon pa ring ilan na hindi nakakausap ang kanilang mga mahal sa buhay.

Tulad na lamang ni Marilou Ibanez na halos tatlong dekada nang naghahanap sa kapatid na isang overseas Filipino worker sa Japan.

1991 nang huli raw itong sumulat sa kanya at ang nakababahala pa rito ay tungkol sa pag-uwi na di nalalaman ng kanyang asawa ang binalak noon ng kapatid ni Marilou.

Lakas loob na sumulat si Marilou sa KAMI upang ibahagi ang kanyang pinagdaraan sa 29 taon na paghahanap sa kanyang kapatid.

Umaasa siyang sa tulong ng mga netizens na makakaita ng larawan ng kanyang ate na si Melody Maaño Ibanez ay may makakapagturo sa kanya ng kinaroroonan nito.

OFW sa Japan, halos tatlong dekada nang hinahanap ng kanyang kapatid

source: UGC
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang panawagan ni Marilou.

"Ako po si Marilou Ibanez, nag inbox po ako sa inyo nagbabakasakali lang na matulungan po ninyo ako na mahanap o malaman ko kung buhay pa ba yung ate ko. Sa pamamagitan ng pag post po ninyo sa inyong page.

More than 25 years na po kasi akong walang balita sa kanya.Nahirapan din po akong hanapin siya kasi po nung nagpunta siya sa Japan nagpalit po siya ng pangalan. Kaya naisip ko po na sa pamamagitan ng pag post niyo ng kanyang larawan dahil po sa marami na po kayong mga followers baka may makakita po sa kanya na kakilala niya o naging kasamahan niya dati sa Japan. Ito po ang nais kong ihingi ng tulong po sa inyong page, ako po ay masugid niyong tagasubaybay.

Ito ang larawan ng aking ate. Ang pangalan niya po ay "Melody Maaño Ibanez" pero nung nag-Japan po siya nagpalit po siya ng apelyido. Melody Perez po ang kanyang ginamit. Yung kasama niya diyan yan po ang naging asawa nya Matsubarra Po ang apelyido nya. Hindi ko po alam yung pangalan.

Malaki po Kasi ang age Gap namin. 44 na po ako now, I think siya baka nasa 50s na po

At nung nag-Japan po sya itinanggi niya na wala na siyang kapamilya o kamag-anak. Pero may roommate siyang dalawa na alam na may kapatid at kamag anak pa siya. That time elementary palang ako noon..yun din ang huli ko syang nakita.

Noong taong 1991 sumulat sya sakin at nagpadala ng pictures nila ng anak niya bagong panganak palang siya. Ang Sabi nya sa sulat uuwi daw sya sa pilipinas pero tatakas lang sila Hindi alam ng tatay ng anak niya na Hapon. Ayon po yung nasa picture na kasama niya. Yun na po yung huling balita ko sa kanya.

Maraming salamat po! sana matulungan niyo ako na malaman kung ano na nangyari sa kanya kung buhay pa ba siya."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel