Lolong umiikot sa palengke para mamalimos, binigyan ng pera ng pulis imbis na hulihin

Lolong umiikot sa palengke para mamalimos, binigyan ng pera ng pulis imbis na hulihin

- Viral ang post tungkol sa isang pulis na tinulungan ang isang matanda imbis na hulihin

- Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas mula sa mga tahanan dala ng enhanced community quarantine ngunit nag-iikot ang lolo upang mamalimos

- Imbis na hulihin, binigyan pa umano ng pulis ang matanda ng pera upang hindi na ito mamroblema

- Inalalayan pa niya ito upang makauwi na ito ng maayos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa pulis na nasa viral post dahil sa pagtulong nito sa isang matanda sa Bataan.

Binahagi ni Danny Cumilang ng DZRH Bataan ang naaktuhan niyang eksena sa isang palengke sa Abucay.

Hindi nagdalawang isip si SPO3 Bonifacio Corpus na bigyan na lamang ng pera ang matandang lalaking namamalimos.

Imbis na hulihin dahil nasa labas ito ng kanilang bahay, minabuti ng pulis na tulungan ang lolo.

Ginawa niya ito upang makauwi na rin agad ang lolo at labis na mapanganib para sa kanya ang paglapit s mga tao at maari pa siyang mahawa ng COVID-19.

Makikita rin sa larawan na inalalayan pa ng pulis ang lolo upang masiguro na maayos itong makakauwi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na saludo sa ginawa ng napakabuting pulis:

"Saludo po kami sa inyo sir sana mdami pang pulis na kagaya mo sir god bless you po"
"My salute to you sir... Sana mabasa po kayo ng blessings para lalo pa dumami ang isang tulad ninyo. God bless po sir"
"Dapat ganito yung mga Officers Hindi yung nananakit kaagad pag di sumunod"
"Nakakaiyak po ito, kailangan na mamalimos si lolo dahil gutom na siya. tama ang ginawa ng pulis dahil iyon lamang ang kailangan ng matanda"
"Kawawa naman si Lolo. Salamat sa pagtulong nyu SPO3 Bonifacio Corpus"
"Ganito ang kailangan natin sa panahon ngayon, pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Learn how to dance, have video calls with friends and 5 other things you can do during quarantine that will make you feel better!

7 Useful Things You Should Definitely Do During Quarantine | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel