Angkas rider, nanlumo matapos dahil sa kanseladong order na umabot sa 7,000

Angkas rider, nanlumo matapos dahil sa kanseladong order na umabot sa 7,000

- Mabilis na nag-viral ang isang Angkas rider ang tumanggap kamakailan ng order mula sa isang kustomer

- Umabot umano sa halagang 7,000 piso ang kabuuan ng pinamili niya ayon sa order ng kustomer

- Gayunpaman, nanlumo ang driver nang biglang kanselahin ng nasabing kustomer ang kanyang order

- Hindi din umano tinanggap ng establisyimentong pinagbilhan niya ang mga produktong nauna nang nabayaran ng rider

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang mga litrato ng isang Angkas rider matapos nitong mabiktima ng kustomer na umorder na mga gamot at iba pang produkto na umabot sa halagang 7,000.

Ayon sa Facebook post ni Shiela Tibay, hindi umano tinanggap ang mga produkto nang subukan itong ibalik ng rider sa kanyang pinagbilhan.

Nanlumo ang rider sa laki ng halaga na maaring mawala sa kanya dahil sa kanseladong order. Umani ng simpatya mula sa mga netizens ang nangyari sa rider na nagsisikap para may maipakain sa kanyang pamilya.

Hindi naman malinaw kung nakuha na ang mga nasabing order na naiuwi ng rider sa kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan, sumasailalim sa enhanced community quarantine ang Luzon kung kaya limitado lamang ang mga pwedeng lumabas. Kabilang ang mga delivery drivers sa tinatawag na frontliners dahil sa kanilang serbisyo sa gitna ng panganib.

Matatandaang unang naibalita ang pagkalat ng epidemya sa Wuhan China kung saan marami ang nasawi na naging dahilan ng pagsailalim ng ilang lungsod sa China sa lockdown. Matapos ang halos dalawang buwan, unti,unting nagbukas ang mga establisyemento pero patuloy pa rin na binabantayan ang pagkalat ng virus.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel