Lalaki sa Cavite, arestado matapos ipambili ng ipinagbabawal na gamot ang perang natanggap

Lalaki sa Cavite, arestado matapos ipambili ng ipinagbabawal na gamot ang perang natanggap

- Arestado ang isang lalaki mula sa Bacoor City, Cavite matapos niyang matanggap ang perang ayuda mula sa pamahalaan

- Nakatanggap ang 24-anyos na lalaki ng P6,500 mula social amelioration program ng gobyerno

- Inamin ng lalaking bumili siya ng ipinagbabawal na gamot mula sa perang kanyang natanggap

- Ang social amelioration program ay ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng enhanced community quarantine bunsod ng paglaganap ng coronavirus disease 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nakapalag ang isang 24-anyos na lalaki mula sa Bacoor City, Cavite matapos siyang arestuhin dahil sa pagbili niya ng ipinagbabawal na gamot mula sa natanggap na P6,500 mula sa social amelioration program ng gobyerno.

Sa isang video na ibinahagi ng ABS-CBN News, inamin ni Clark Jerel Navalta na bumili siya ng ipinagbabawal na gamot sa halagang 150. Ayon sa kanya, ginawa lamang niya iyon upang magkaroon siya ng lakas dahil siya ay nagtatrabaho bilang construction worker.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakabili naman daw siya ng groceries. Nagbigay naman siya ng paalala sa mga kagaya niyang nakatanggap o makakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Aniya, ito ay para ipambili ng pagkain lalo pa at na-extend ang enhanced quarantine. Magbabago na daw siya at sana ay huwag siyang tularan ng iba.

Ang social amelioration program ay ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng enhanced community quarantine bunsod ng epekto ng paglaganap ng coronavirus disease 2019. Matatandaang isinailalim sa enhanced quarantine ang buong Luzon matapos ang patuloy na pagkalat ng pandemyang dulot ng COVID-19.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel