ER na puno ng pasyenteng may COVID-19, ipinasilip ng 1 doktor

ER na puno ng pasyenteng may COVID-19, ipinasilip ng 1 doktor

- Ipinasilip ng isang doktor sa isang ospital sa New York ang sitwasyon sa loob ng kanilang emergency department kung saan mayroong mga pasyenteng may coronavirus

- Sa pamamagitan ng isang video, ibinahagi nito ang kalunos-lunos na sa lagay doon ng bawat isa

- Ang USA ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng kaso ng virus at libo-libong pagkamatay dahil dito

- Ilang netizens naman ang nag-alay ng kanilang panalangin para sa mga pasyente at sa mga frontliners na isinusugal na rin ang kanilang kaligtasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa pamamagitan ng isang video, ipinasilip ng doktor na si Dr. Erik Blutinger ang sitwasyon sa emergency department sa Mount Sinai Queens Hospital sa New York.

Sa video na ni-reupload ng South China Morning Post, ibinahagi ng doktor ang kalunos-lunos na kalagayan roon na puno ng mga pasyenteng mayroong coronavirus.

Wala raw maririnig kung hindi ang tunog ng mga oxygen na ginagamit sa kanilang mga pasyente.

"I heard that our volume is just exploding and we have so many people in the hallways that are all COVID positive," anito.

"I'm seeing young patients, old patients, people of all age ranges who are just incredibly sick. And you can even hear it now that as I'm walking through patient rooms and the hallway you just hear oxygen, the sound of the pulse ox," sabi pa ng doktor.

Maraming netizens naman ang nag-alay ng kanilang panalangin para sa mga pasyente at sa mga frontliners na isinusugal na rin ang kanilang kaligtasan

Base sa mga ulat, ang USA ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng kaso ng COVID-19. Ayon sa pinakahuling update ng Worldometers, mayroon nang 678,210 positibong kaso rito (as of April 17.)

Umabot na rin sa 34,641 ang naitalang pagkamatay dahil sa virus sa US, habang 57,844 naman ang naka-recover.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Filipino Pio Found His Own Way To Help Frontliners Amid Pandemic — HumanMeter

“They had to walk an hour, an hour and a half to get to work. I mean, coming from an 8-hour shift sa hospital. Tapos palalakarin mo pa yung nurse o kahit security guard. Parang hindi makatarungan, diba?”

Hindi matiis ni Pio Gerona Fortuno Jr. na walang gawin noong nalaman niya na ang mga doctor at mga nurse ay walang sapat na transportasyon. Check out all our videos on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel